Chapter 11

753 14 0
                                    

THIS STORY CONTAINS MATURE CONTENT. READERS BELOW 18 ARE STRICTLY PROHIBITED.

KUNG AYAW NIYO MAKINIG, BAHALA KAYO.

THIS STORY IS STILL UNDER EDITING SO KUNG MAY MABASA MAN KAYONG TYPOGRAPHICAL ERRORS O GRAMMATICALLY INCORRECT MAN AKO, I'LL EDIT IT SOON AS I FINISH WRITING THESE SERIES.

ENJOY READING!






Tatlong linggo na, matapos nilang impormal na mag hiwalay ni Hephaestus. Narito siya ngayon sakanyang opisina, tulala at walang balak na maging produktibo ngayong araw. She's not yet ready to pretend that she's happy. She's not yet ready to face her reality.

Tatlong linggo niyang hinihintay na bumalik si Hephaestus, at pakinggan ang paliwanag niya. Pero, walang Hephaestus na bumalik sa loob ng tatlong linggo na nag-daan. She's desperate and yet, can do nothing. Naka banned padin siya sa lahat ng lugar na maaaring puntahan ng lalaki. Wala sa sarili siyang napasabunot sakanyang buhok, at muling naluha.



"Ma'am?" Narinig niyang pag tawag ng kanyang assistant na si Dalja.



"Yes?" Tugon niya pero nakayuko parin siya at ayaw niyang ipakita ang lumuluha niyang mga mata.



"Nasa labas po si sir Hephaestus" kaagad ay umayos ito ng upo at nag pahid ng luha. Ngumiti ito at nag salita.



"Let him in" nakangiti niyang sabi kay Dalja kaya tumango ito at pinapasok ang lalaki.



Tila nanibago siya sa asta ni Hephaestus dahil, wala na ang magilas nitong awra. Pormal siyang nag lakad papasok sa opisina niya habang may hawak na folder at, hindi man lang ito ngumiti kahit pa tinignan siya ng lalaki ng mata sa mata. He sat down as if he's the boss, and she's the one who scheduled a meeting. Gusto niyang batukan ang lalaki pero mas lamang ang tuwa niya dahil sa wakas, natauhan na rin ito at bumalik na siya.



"Hi, what do you want?" Gusto niyang upakan ang sarili niya dahil unprofessional ang sinabi niya. Ngumisi ang lalaki at tumingin sakanya.



"Why are you crying?" Malamig na sabi nito, kaya muli niyang pinahid ang kanyang luha.




"Napuwing lang" palusot niya at ngumiti.




"Akala ko, alam mo na ang balita" sabi ni Hephaestus kaya tinignan niya ito ng may halong pagtataka.



"What do you mean?" Tanong ni Hestia




"I already own this shit" nakangising sabi ni Hephaestus "I mean, this shop." Pag tatama niya, at muli siyang tinignan ng seryoso.




"What!?" Sigaw niya at hindi makapaniwala sa sinabi ni Hephaestus sakanya




"I bought this shop, from the landlord.  Kahit pala sobrang laki ng kinikita ng shop mo, hindi pumayag ang landlord na ibenta sa'yo 'to, kaya inuupahan mo. Am I right?" Nakangising sabi ni Hephaestus



"O-Oo, at paano mo nabili ang shop na 'to?" Tanong ng dalaga na halos manlumo dahil sakanyang nabalitaan




"We both know, that I am much richer than you think you are." Sabi ni Hephaestus kaya napatayo siya at sinampal niya ito ng malakas



"Don't you dare to belittle me!" Galit niyang sabi kaya ngumisi lang lalo ang lalaki.



"I already did it, Hestia" malamig na sabi ni Hephaestus na muling nakapag patulo ng luha niya.




Redirecting Arrows  (Chicos Malos Series #2)Where stories live. Discover now