Chapter 9

882 21 1
                                    


THIS STORY CONTAINS MATURE CONTENT. READERS BELOW 18 ARE STRICTLY PROHIBITED.

KUNG AYAW NIYO MAKINIG, BAHALA KAYO.

THIS STORY IS STILL UNDER EDITING SO KUNG MAY MABASA MAN KAYONG TYPOGRAPHICAL ERRORS O GRAMMATICALLY INCORRECT MAN AKO, I'LL EDIT IT SOON AS I FINISH WRITING THESE SERIES.

ENJOY READING!






Kasal ng kaibigan ni Hestia ngayon na si Persephone. At hindi sila maayos ngayon ni Hephaestus. Hindi naman kasi siya dapat mag tatampo, pero nakita niya kasi si Hephaestus na tingin ng tingin sa mga babaeng nandito ngayon. Wala pa nga silang one month, babaero na ito. Paano pa kaya kapag nag tagal?

Kanina pa tinanggal ni Hades ang garter sa hita ni Persephone, na siyang gagamitin mamaya. Si Hestia naman ay hindi matapos tapos sakanyang pagkain dahil sa inis na nararamdaman.
Kung buhay lang ang karneng kinakain niya ngayon, kanina pa ito namatay na parang minurder, dahil gigil niya itong tinutusok gamit ang kanyang tinidor at malakas na pinuputol gamit ang kutsilyo. Tinitignan siya ng nag tataka ni Athena at ng iba pa nilang mga kaibigan dahil sa kakaibang kinikilos nito.

"Hoy! Okay ka lang?" Bulong ni Nemesis sakanya kaya masama niya itong tinignan

"Mukha ba akong ayos?" Tanong niya rin

"Aba, nag mamalasakit na nga kami sa'yo, namimilosopo ka pa" mataray na sabi ni Iris

"Manahimik kayong dalawa. Humanda ka Nemesis, ikaw ang susunod na ikakasal saating lahat" pananakot niya kay Nemesis

"No way! No way!" Takot na sabi ng kanyang kaibigan

"O, tigilan ninyo ako para hindi ko kayo takutin" sabi niya at uminom ng wine.

"May I call on every single ladies to come here, in front" pag aanunsyo ng mc


"Hoy, Nemesis! Tara!" Sigaw niya sa kaibigan na ayaw tumayo mula kanina


"Ayaw ko! Baka ako ang makasalo!" Sigaw ni Nemesis


"Sige na" pamimilit pa ni Iris kaya napapayag din nila ito.


Kahit na single ladies ang sinabi ng MC, tumayo si Hestia. 'Yung boyfriend niya nga, feeling single rin ngayon e. May inisip siyang plano para pag selosin ang binata. Plano niyang saluhin ang bulaklak para mapares siya sa ibang lalaki at hayaan itong halikan siya, kung saan man hahalikan ni Hades si Persephone.



Gano'n naman 'yung laro, 'diba?





"Nasaan si Athena?" Tanong ni Iris sakanya

"Malay ko! Baka ay---"


"Hindi siya sasali" bulong ni Persephone sakanila


"Bakit?" Tanong ni Nemesis



"Magagalit si Demon, baka masira ang kasal namin" sagot ni Persephone kaya humagikgik silang apat


"Kay Nemesis natin ibigay ang bulaklak, ha!" Paninigurado ni Iris


"No!" Saway ni Hestia kaya tumawa lang si Persephone at muling bumalik sa kinalalagyan niya kanina.


"Alright! I think you already know the mechanics of this tradition but, I will still explain it for everyone so they can understand it well." Sabi ng MC bago muling mag salita.

"The bride will throw her bouquet, and these single ladies beside me needs to catch it. Kapag nasalo ng isa sakanila, siya ang panalo. And she have to wait for her partner, na malalaman natin mamaya" pag e-explain ng MC "Kapag sinabi kong GO! Ihahagis ng ating bride ang kanyang bulaklak. Ladies, be alert" dagdag pa nito at pumunta na sa gilid.

Redirecting Arrows  (Chicos Malos Series #2)Where stories live. Discover now