Chapter 27

704 19 5
                                    

THIS STORY CONTAINS MATURE CONTENT. READERS BELOW 18 ARE STRICTLY PROHIBITED.

KUNG AYAW NIYO MAKINIG, BAHALA KAYO.

THIS STORY IS STILL UNDER EDITING SO, KUNG MAY MABASA MAN KAYONG TYPOGRAPHICAL ERRORS, O GRAMMATICALLY INCORRECT MAN AKO I'LL EDIT IT SOON AS I FINISH WRITING THESE SERIES.

ENJOY READING!












Kahit na gano'n pa ang nangyari, hindi nag patinag si Hestia. Alam niyang nasaktan lang ng sobra si Hephaestus kaya ganoon ang kaniyang naging reaksyon. She understands him well. Narito siya ngayon sa Ospital at hinihintay ang iba pa nilang mga kaibigan.


"Hestia..." She ran fast the moment that she heard Athena's voice. Para siyang bata na yumakap sa kaibigan, at doon humagulgol ng malakas. Wala siyang pakialam kahit pa nakikita siya ng iba pa nilang kaibigan.





"I-I hate it, Athena. Why is it so hard to love him?" Umiiyak niyang sabi sa kaibigan, hanggang sa naramdaman niyang lumapit sa kanila sina Iris, Persephone, at Nemesis.





"Memorya lang ang nawala kay Hephaestus, pero hindi ang pagmamahal niya sa'yo." Mainhin na sabi ni Persephone sa kaniya.





"Iiyak mo lang." Matipid na sabi ni Iris.





"Wow ha, life changing naman." Banat ni Athena, kaya parang bumalik ang mga luha ni Hestia sa mga mata niya.




"Gago! Hahahaha!" Tawang tawa na sabi ni Nemesis sa kaibigan, kaya mas lalo silang natawa.





"Ang galing niyo naman mag comfort, matic matatawa ka nalang talaga tapos maiinis kasi hindi mo na maiyak ulit 'yong mga luha mo e." Natatawang sabi ni Hestia sa kanila, habang mahina niyang sinasabunutan ang mga ito.





"Hi, excuse me..." Lahat sila ay natigil nang makita nila ang kararating lang na si Nikki. Maganda ang ayos ng dalaga, habang may dalang isang basket ng mga prutas. Tinignan naman siya ni Hestia, at ngumiti.







"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Hestia kay Nikki, habang pilit na pinakakalma ang sarili dahil naalala niya ang sinabi ni Demon noon sa kaniya.






"Dionysus called me to come over, I heard kasi na Hephaestus got into an accident." Mabait na sagot ng dalaga.









"At talagang may tinawagan pa ang hayop..." Bulong naman ni Nemesis, kaya sinaway ito ni Iris.









"Uhm, If you don't mind, papasok muna ako sa room ni Hephaestus. You can come inside rin if you want." Paalam ni Nikki.








"Talagang papasok siya, kami ang mag babayad ng bill neto e." Sagot ni Athena, na walang malay sa kung paano napahiya si Nikki dahil sa sinabi niya.







"Hoy! Bibig mo!" Bulong ni Persephone kay Athena.







"What? May mali ba sa sinabi ko?" Tanong naman ni Athena, kaya natawa sila.







"Mahal, medyo napahiya mo kasi si Nikki." Mainhin na sabi ni Demon kay Athena.








"Wala, tama lang 'yon, sis. Akala mo girlfriend siya ni Hephaestus e. Salamat, Athena." Tuwang tuwa pa na sabi ni Hestia, kaya lahat sila ay napakamot nalang ng ulo dahil sa tandem nilang dalawa ni Athena.









Redirecting Arrows  (Chicos Malos Series #2)Where stories live. Discover now