THIS STORY CONTAINS MATURE CONTENT. READERS BELOW 18 ARE STRICTLY PROHIBITED.KUNG AYAW NIYO MAKINIG, BAHALA KAYO.
THIS STORY IS STILL UNDER EDITING SO KUNG MAY MABASA MAN KAYONG TYPOGRAPHICAL ERRORS O GRAMMATICALLY INCORRECT MAN AKO, I'LL EDIT IT SOON AS I FINISH WRITING THESE SERIES.
ENJOY READING!
HELLO! MERON AKONG IPAKIKILALA SAINYO! KAIBIGAN KO SIYA, AND I WANT TO HELP HIM TO REACH HIS DREAMS. ISA SIYANG SINGER, AND HE'S REALLY A GOOD FRIEND OF MINE. 'ETO ANG ISA SA MGA COVER NIYA.
https://youtu.be/ijQ-70YkEj4
That's the link of it. NOTE: UNLISTED UPLOAD 'YAN, KAYA MAPAPANOOD NIYO LANG 'YAN KAPAG GINAMIT NIYO 'YUNG LINK NA PINROVIDE KO PARA SAINYO. COPY AND PASTE THAT LINK, PARA MAKITA NINYO.
YES, COPY AND PASTE THAT LINK PARA MAKITA NINYO. UULITIN KO PA BA? COPY AND PASTE THAT LINK PARA MAKITA NINYO. (I just uploaded it on YT para ipakita na magaling talaga siya kumanta pero I won't upload on YT anymore hehehe.)
YOU CAN SEND ME A MESSAGE IF GUSTO NINYONG MAG REQUEST NG MGA KAKANTAHIN NIYA, OR NAMIN (IF MAY TIME KAMI BOTH, lol) OR YOU CAN FOLLOW HIM ON TWITTER AND MESSAGE HIM THERE. HERE'S HIS TWITTER USERNAME:
@JEYMESSSS
THANK YOU SO MUCH, FOR READING! AND THANK YOU SO MUCH, FOR SUPPORTING ME AND MY FRIEND!
"Ito ang magiging kwarto mo" nakasimangot na tumingin si Hestia kay Hephaestus, habang nag-sasalita ito na para bang wala siyang atraso sakanya.
Iniwan niya ito sa mall kanina, at hinayaan na mag mukhang tanga. He did not let her to enter his office. Inutusan niya ito na tignan kung may mga nagnanakaw ba sa mall niya, o wala. Hindi man lang siya nakapamili dahil nasa kotse ng lalaki ang bag niya. Tatlong oras siyang palakad lakad doon, hanggang sa makita siya ni Hephaestus at yayain itong umalis at bumisita sa Airlines ni Demon.
"Why are you staring at me?" Tanong ng lalaki sakanya, dahil hindi parin nito inaalis ang kanyang paningin kay Hephaestus.
"Fucker ka kasi, kaya kita tinitignan." Sagot niya at pumasok na sa kwartong sinabi ni Hephaestus, habang dala ang tatlong maleta niya. Sinamahan siya ni Hephaestus na mag impake kanina, dahil seryoso nga ito na kailangang tumira ni Hestia kasama siya.
"Talk to my hand" supladong sabi ni Hephaestus, at iniwan na siya roon.
Hindi niya alam kung mapapatay ba niya, o hahayaan nalang ang lalaki. Padabog niyang inayos ang kanyang mga gamit, at inilagay ang kanyang mga damit sa cabinet. Mula sa mga night dresses, pajamas, sexy panties, swimsuit, sexy outfits, at ang attire na pwede niyang magamit kapag biglaan silang dadalo ng 'amo' niya sa isang magarbong party, ay inayos na niya. Pinili niyang mag suot muna ng isang dolphin shorts, at pink t-shirt. Inayos niya ang kanyang buhok at lumabas ng kwarto, para pumunta sa kusina at mag luto.
Nanood siya ng tutorial sa YouTube, kaya kampante siya na hindi pangit ang lasa ng lulutuin niya. Tuwang tuwa siya sa kinalabasan ng niluto niya, kaya kinuhanan niya ito ng litrato at sinend sa mga kaibigan niya. Habang hinihintay ang mga reply nila, tinikman niya ito at lalo siyang natuwa nang masarap ang kinalabasan ng lasa nito.
Tinignan niya ang kanyang telepono nang makita itong tumunog. Chineck niya kung sino ang tumatawag at nakitang si Iris ito. Masaya niya itong sinagot, at hindi niya ma-explain kung gaano kagaan ang pakiramdam niya ngayon, dahil nadiskubre niyang marunong pala siyang mag luto.

YOU ARE READING
Redirecting Arrows (Chicos Malos Series #2)
RomanceWARNING: SPG | R-18| CONTAINS MATURE CONTENT "Ang saakin lang naman, ano bang kulang saakin para gaguhin mo pa ako?"