THIS STORY CONTAINS MATURE CONTENT. READERS BELOW 18 ARE STRICTLY PROHIBITED.
KUNG AYAW NIYO MAKINIG, BAHALA KAYO.
THIS STORY IS STILL UNDER EDITING SO KUNG MAY MABASA MAN KAYONG TYPOGRAPHICAL ERRORS O GRAMMATICALLY INCORRECT MAN AKO, I'LL EDIT IT SOON AS I FINISH WRITING THESE SERIES.
ENJOY READING!
LAHAT sila ay gulat at walang imik habang nag hihintay sila ng balita mula sa rescuers na naghahanap kay Hades. Dalawang linggo na ang lumipas mula noong umuwi si Hestia at Hephaestus galing sa France. Pareho silang naging abala sa mga negosyo nila, kaya nag tatampuhan silang dalawa.
Habang hindi maawat sa pag-iyak si Persephone, iyak din ng iyak si Hestia dahil nanghihinayang siya sa kagwapuhang taglay ni Hades. Kanina pa siya pinapatahan ni Iris dahil mas naiinis siya ngayong inaasar siya ni Hephaestus. Kanina pa siya kinukulit nito, at hindi niya gusto ang ginagawa ng lalaki ngayon sakanya.
Masaya siya kanina nang makita si Hephaestus dahil inaamin niyang namiss niya ang lalaki. Ngunit biglang nawala ang pagka miss niya rito at napalitan ng galit dahil hindi na ito tumigil sa pang-aasar sakanya. Kinakabahan kasi siya dahil baka mapansin ito ng mga kaibigan nila, bukod kay Persephone na una niyang pinag sabihan.
"Why are you crying?" Tumatawang tanong ni Hephaestus sakanya
"Putangina mo, Hephaestus! Lumayo ka sa akin ng apat na pu't limang kilometro dahil naiinis ako sa'yo!" Sigaw niya
"And why would I do that?" Nakangisi namang tanong ng lalaki
"Baka gusto mong lunurin nalang kita sa dagat at nang matauhan ka?" Gustong gusto niyang sakalin si Hephaestus ngayon ngunit pinipigilan siya ni Iris.
"Mas maliit ka sa akin, bago mo ako malunod, patay ka na." Tumatawang sabi ni Hephaestus kaya humalakhak din si Iris
"Seriously, sa ganito kaseryosong sitwasyon, makukuha niyo pang mag landian?" Bigla namang natahimik si Hephaestus nang mag salita si Athena na naka upong pandekwatro habang magka krus ang mga kamay.
Pareho silang hindi umimik, lumayo si Hephaestus mula sakanila at hindi na muling nag tangka pang lumapit sakanila. Baka natakot siya kay Athena. Tinignan niya ang kaibigan niyang si Persephone na tulala ngayon at walang imik na lumuluha. Gusto niya itong lapitan kaso lang ay hawak siya ni Nemesis na pasimpleng sumusulyap kay Dionysus. Umiling-iling siya sa kaibigan na halatang gusto ang lalaki.
--------------------------------------------
"Benjamin, huwag mong hahayaan na lumandi ang mama mo sa greece ha?" Bulong ni Hestia sa anak ni Persephone na ngayo'y hawak niya.
"Sira ulo! Anong tinuturo mo sa bata!" Saway sakanya ni Iris matapos siyang batukan
"Uy, Persephone. Pangako mo saamin na babalik din kayo ha?" Sabi naman ni Nemesis kay Persephone dahil gusto niya munang makalimot ngayon.
"Oo naman, hindi naman ako kagaya ng kaibigan natin jan" pagpaparinig ni Persephone kay Athena
"Sama nalang kami!" Suhestiyon naman ni Hestia
"Bawal" nakangiting sabi ni Persephone at nakipag beso na sakanilang lahat ngayon.
"Mag-iingat kayo" anang Nanay ni Persephone kaya lahat sila ay kumaway at tinignan silang makapanhik sa eroplano.

YOU ARE READING
Redirecting Arrows (Chicos Malos Series #2)
Roman d'amourWARNING: SPG | R-18| CONTAINS MATURE CONTENT "Ang saakin lang naman, ano bang kulang saakin para gaguhin mo pa ako?"