Chapter 6

1.1K 27 0
                                    


THIS STORY CONTAINS MATURE CONTENT. READERS BELOW 18 ARE STRICTLY PROHIBITED.

KUNG AYAW NIYO MAKINIG, BAHALA KAYO.

THIS STORY IS STILL UNDER EDITING SO KUNG MAY MABASA MAN KAYONG TYPOGRAPHICAL ERRORS O GRAMMATICALLY INCORRECT MAN AKO, I'LL EDIT IT SOON AS I FINISH WRITING THESE SERIES.

ENJOY READING!




Excited na hinapag ni Hephaestus ang mga putaheng niluto niya para sa dalaga. Dalawang oras din ang ginugol niya para sa dinner na ito. Si Hestia naman ay nag kulong lang sakanyang kwarto habang hinihintay na tawagin siya ni Hephaestus. Kinailangan pang umalis ng lalaki para bumili ng mga bulaklak at scented candles na kailangan niya ngayon.

Inayos niya ang kanyang coat at pinag masdan ang setup ng dining table ngayon. Nag mamadali siyang tumungo sa silid ni Hestia para katukin ito na agad namang tumugon sakanya. Ang tantsa niya ay nag bibihis pa ito dahil naririnig niya ang pag bukas sara ng wardrobe niya na hinanda ni Hephaestus bago pa sila pumunta sa France.


"Woman, tapos ka na ba?" Tanong niya sa dalaga


"Bumaba ka na! Susunod ako!" Sigaw ni Hestia kaya nag Kibit-balikat siya at sinunod ang sinabi nito.


Kinuhanan niya ng litrato ang kanyang inihanda ngayon tsaka nakangiting sinindi ang mga mababangong kandila. Sunod niyang kinuha ang wine na kanyang binili kanina at itinabi iyon sa pekeng bulaklak na nakapatong sa gitna ng lamesa. Bigla ay tumingin siya sa babaeng pababa ng hagdan na nakangiting inaayos ang kanyang buhok habang nag lalakad ngayon.

Hestia is wearing a fitted pink dress with her nude lipstick and curly hair. Tinignan niya si Hephaestus na kulang nalang ay lumuwa ang mga mata dahil sa paraan ng pagkaka titig nito sakanya. Nginitian niya ito kaya tumayo si Hephaestus para alalayan siyang makababa ng hagdan. She can smell him, his smell really turns her on. She smiled and that made her blush. Ang bango niya!

"Good evening, my lady" nakangiting sabi ni Hephaestus kaya inismiran niya ito. He chuckled and talked once again "You look so beautiful"


"Ano ba, mabilis akong maniwala!" Tumatawa niyang sabi kaya natawa rin ang lalaki.

Namangha siya nang makita ang dining table na maayos ang pagkaka handa. Hindi siya makapaniwalang si Hephaestus lahat ang may gawa nito. Kanina niya pa nakikita si Hephaestus dahil kapag hindi nakatingin sakanya ang lalaki ay pinanonood niya ito. Ito ang unang beses na isang lalaki ang mag luluto para sakanya, she's so flattered and she doesn't know what to feel. Hindi niya inaasahan na ang isang petulant na lalaki ay gagawin ito para lang sakanya.


"Yeah, I know. I'm so cool" mayabang na sabi ni Hephaestus sakanya kaya padabog siyang umupo na siyang kina-ngisi ng lalaki.


"Wala bang lason ang mga ito?" Tanong niya habang nakatingin sa mga pagkaing naka hain sa lamesa.



"Bakit naman kita lalasunin?"tanong din ni Hephaestus sakanya


"Malay ko ba, baka gusto mo akong patayin" taas kilay na sagot niya


"Gusto lang kita, hindi gustong patayin" sabi ni Hephaestus kaya bigla siyang namula. "At isa pa, bakit kita liligawan kung balak ko rin palang patayin ka?" Dagdag ng lalaki


"Alam mo..." panimula ni Hestia


"Ano?" Tanong ni Hephaestus habang hinihintay ang kadugtong ng sasabihin niya.


"Marupok ako" dagdag niya kaya biglang humalakhak ang lalaki



"Ano ngayon kung marupok ka?" Tanong ni Hephaestus at tumingin ng seryoso sakanya "Sasaluhin naman kita" banat pa ng lalaki kaya ngumiti siya at nag pabebe.


Redirecting Arrows  (Chicos Malos Series #2)Where stories live. Discover now