Lumipas ang dalawang araw at ngayon ay Sabado na. Mamaya na ang second game ng Wilhelm at Stuartz. I texted a goodluck message to Julian earlier before I went to my first class.
"Jillian, di ba boyfriend mo yung si Sanchez sa Wilhelm? Hindi ka ba manonood ng game nila mamaya?" tanong sa akin nung kaklase ko sa first class ko na si Abby.
"Hindi ko pa alam. Kung matatapos ang practice namin baka makanood ako." sagot ko sa kaniya.
"Ang galing niya nung wednesday, nakakatakot kapag sila ang mananalo mamaya at baka mahirapan ang school natin talunin sila." sabi nito. Ngumiti lang ako bilang tugon dito.
"Ah nga pala. Kapag nanalo sila mamaya, sinong susuportahan mo? Yung school natin o yung school ng boyfriend mo?" tanong ulit nito.
That was a hard question. Syempre gusto ko din manalo yung school namin pero gusto ko din manalo sila Julian dahil na din sa kaniya.
Hindi ko nalang sinagot ang tanong nito at buti nalang ay nagring na yung bell, hudyat na tapos na ang klase kaya naman madali akong kumabas para pumunta sa last class ko.
Dalawa lang ang subject ko kapag sabado at tig-tatlong oras ang mga yun, kaya naman 2pm matatapos ang klase ko at didiretso agad ako sa practice na hindi ko alam kung anong oras matatapos.
Pagdating ko sa gym matapos ang huling klase ko ay nandoon na agad sina Gwen at Lia, maging si captain na hindi na nakakapagtaka dahil nandoon pa ang basketball team na patapos na din ang practice.
Maglalakad na sana ako papunta sa gawi nila Gwen ng biglang may humilang isang player ng basketball team sa akin at dinala ako sa gitna ng court na kung saan nakatalikod at nakaform ng straight line ang mga teammates nito. Pinaharap ako nito sa mga iyon at isa-isa silang humarap sa akin na may hawak-hawak na illustration board na may mga letrang nakasulat doon.
"I'M S O R R Y, J I L L I A N" ang nakalagay sa mga iyon at nasa hulihan pala si Edward na may hawak na isang bouquet ng red roses.
Naguguluhang napatingin ako kay Edward na ngayon ay palapit na sa akin.
"What is this, Edward? Hindi ba pinatawad na kita? Bakit may ganito ka na namang kalokohan?" naiinis na tanong ko sa kaniya.
Tinawanan lang ako nito at pilit na inaabot ang hawak nitong bouquet sa akin pero ayokong abutin yun. Tama na yung pinatawad ko siya. Ayokong mamisinterpret ng iba yung pagtanggap ko ng red roses sa kaniya kaya hindi ko iyon kinuha sa kaniya.
"Pinatawad na kita last time, kaya sana naman tigilan mo na ako." madiin kong salita sa kaniya at tinalikuran ko na siya at mga teammates niya.
"Okay ka lang girl? Mukhang bad trip ka na naman ah." sabi ni Gwen sa akin ng makalapit ako sa kanila. Napatingin naman ako kay captain Mel na kagat-labing napayuko at parang nagpupunas pa ito ng luha niya.
"Naiinis ako kasi ang hirap niyang makaintindi." sabi ko sa kanila.
Hindi nagtagal ay nagsimula na ang practice namin.
"Jill, bakit parang wala ka sa sarili mo ngayon?" tanong sa akin ni Gwen ng mapansin na medyo natutulala ako.
"Sorry. Kinakabahan kasi ako eh." sabi ko.
"Wag mong masiyadong isipin 'yon. Mananalo sila promise." Gwen said while tapping my shoulder. Agad naman kaming nagready para sa spiking drills kaya doon na ako nagfocus.
Mahigit dalawang kras din yung practice namin kaya tinawagan ko agad si Milly dahil usapan naming susunduin niya ako kapag tapos na ang practice namin.
Nagmamadali akong pumunta sa dorm namin para mag-ayos habang hinihintay ang pagdating ni Milly.
I wore a pair of black adidas half-zip sweatshirt and black skirt and a white supercourt shoes. Para tuloy akong endorser ng Adidas sa suot ko. Nagsuot din ako ng bucket hat para hindi masiyadong kita yung mukha ko mamaya dahil paniguradong madami na namang taga-Wilhelm ang nanonood ngahon sa Arena.
BINABASA MO ANG
Volleyball Sweetheart (Sporty Princess #1)
General FictionJillian Krae Villegas is one of the most recruited highschool volleyball standout. A lot were recruiting her ever since she was still in highschool. Some schools recruiting her are Wilhelm University and Stuartz University, both teams who compete fo...