We were just staring at each other, catching our breaths after that long passionate kiss we've shared earlier. I can still hear my heartbeat beating so fast.Walang nagsasalita sa aming dalawa habang pareho parin naming hinahabol ang aminh paghinga.
It was my first kiss. He was my first kiss. I can't explain what I'm feeling right now but I am a hundred percent sure that I didn't regret giving him my first kiss.
"I should go." sabi ko sa medyo paos pang boses.
"Hatid na kita sa loob." sabi nito at sabay na kaming lumabas mula sa kotse nito.
Bumati pa ito kay manong guard na nadaanan naming nagbabantay sa may university main gate.
Nang makarating kami sa tapat ng dorm ko ay humarap ako sa kanya para magpaalam.
"Ingat sa pagdrive." sabi ko sa kaniya.
Tumango naman ito at lumapit sa akin para yakapin ako. Napangiti naman ako dahil doon at gumanti ng yakap sa kaniya.
"Sige na, okay na ako dito." sabi ko habang pilit na kumakalas sa yakap niya. Natawa pa ako dahil mas lalo pa niyong siniksik ang mukha niya sa may bandang leeg ko.
"Mamaya na. I want to enjoy this moment first." he said as he tighten his hug on me.
"I wish you can watched our semifinals game next week." sabi nito habang ang mukha niya ay nasa bandang leeg ko parin kaya ramdam ko ang init ng hininga niya habang nagsasalita siya kanina.
"How I wish too but I have class on that day." malungkot kong saad sa kanya.
Hindi naman na ito nagsalita at makalipas ang ilang minutong nakayakap siya sa akin ay humiwalay na ito pero nanatili ang mga kamay niya sa bewang ko.
"I'm going to be busy for practice and preparation for semifinals so I can't see you for how many days.." nakapout pa ito habang sinasabi ang mga iyon kaya natawa ako sa kaniya at hindi ko napigilang pisilin yung nguso niya.
"Ang cute mo kapag nakapout ka." natatawang saad ko habang pinanggigigilan pa rin ang nguso niya.
"Okay lang, naiintindihan ko naman. Hindi naman ako magagalit o magtatampo kung pansamantala kang mawawalan ng oras sa akin. I know you wanted to win so bad and I am here to support you on that." I said that to stop him from worrying.
Siya naman palagi ang nage-effort para makita ako kaya sino ako para magreklamo.
"Okay. I'll go na." paalam nito at hinalikan ako sa noo bago umalis.
Hindi ko alam pero parang di ako kuntento doon kaya tinawag ko ulit siya. Nang lumingon ito sa akin ay agad akong tumakbo papunta sa kanya at pinatong ang mga kamay ko sa magkabilang balikat niya bago ko siya hinalikan ng mariin sa labi.
Mabilis lang ang halik na 'yon kaya tumakbo ulit ako pabalik ng dorm at hindi na hinintay ang magiging reaction niya.
Nang makarating ako sa room ko ay nakareceive ako ng isang text mula sa kanya.
From: Damon Julian
Daya mo!
Hindi ko na siya nireplyan at nag-ayos na ako ng sarili ko para sa pagtulog.
Nakahiga ako kama ko nang makareceive ulit ako ng text sa mula sa kaniya.
From: Damon Julian
Can I call?
To: Damon Julian
Go to sleep. May practice pa kayo bukas.
Wala pang ilang segundo ay nagreply agad ito.
BINABASA MO ANG
Volleyball Sweetheart (Sporty Princess #1)
Ficción GeneralJillian Krae Villegas is one of the most recruited highschool volleyball standout. A lot were recruiting her ever since she was still in highschool. Some schools recruiting her are Wilhelm University and Stuartz University, both teams who compete fo...