Chapter 3

74.7K 1.9K 1.6K
                                    

Paano nga ba nangyari lahat ng ito?

Una, nanood lang naman ako ng basketball kasama ang mga teammates ko pagkatapos ay si Milly naman.

Pangalawa, narinig ko ang pag-uusap ni Julian at ng kanilang coach tungkol sa injury nito.

Pangatlo ay ang pag-iwan sa akin ni Milly at dahil sa takot kong magcommute, hindi agad ako makaalis-alis sa kinaroroonan ko.

Pang-apat, pumayag akong umangkas kay Julian at ihatid sa school.

Pang-lima, umamin ako sa nararamdaman ko para dito na maging ito ay ganun din pala ang nararamdaman.

Pang-anim, tinanong ako ni Julian kung pwede niya akong maging girlfriend at pang-pito, pumayag naman ako!

Medyo tulala pa ako habang pabalik sa dorm namin. Isang araw lang to pero bakit parang napakadami nang nangyari? Ngayon ko lang narealized.. ang rupok ko!

Nang makarating ako sa room ko ay agad kong tinawagan si Milly at buti nalang ay sinagot nito agad ang tawag ko. Nagso-sorry pa ito ng paulit-ulit hanggang sa patigilin ko siya at ako naman ay nagsimula nang magkwento tungkol sa mga nangyari ngayong araw.

"WHAT?!!!!!!!!" sh*t! Sumakit bigla yung tenga ko dahil sa sobrang lakas ng sigaw nito.

"OMG! Jill! I can't believe sinagot mo na agad! Nagpaka-dalagang Pilipina ka na muna sana!" Hindi ko alam kung nane-nermon siya o iniinsulto ako.

"I didn't know what to do or what to say Milly. Kapag kasi nandiyan siya, yung presence niya palang sobrang bilis na nung heartbeat ko. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Bakit ganun?"

"Before I will answer your question, who's the lucky guy first?" hindi ko muna kasi sinabi na si Julian iyon at ayoko munang malaman niya dahil baka mas lalo lang itong mabaliw.

"No. I won't gonna tell you Milly. Sa akin muna ito." sagot ko dito.

"Grabe and daya nito!" halatang nagtatampo ito sa tono ng boses niya sa kabilang linya.

"Sorry, Milly. Ayoko muna kasing malaman mo kung sino siya at baka kasi hindi naman seryoso yun dun sa sinabi niya at kahit pumayag ako baka wala lang 'yon sa kanya." paliwanag ko dito.

"GAGAlet! Ang tawag dun speed! Mabilis si kuya at ayaw ka na niyang pakawalan, at saka inamin mo kasi kung ano 'yong nararamdaman mo, edi siyempre grab the opportunity na si kuya."

"Is it okay?"

"Ate ghurl, ang tawag kasi dun, love at first sight. Hindi ka naman makakapag-desisyon ng ganyan kung wala kang nararamdaman na love para kay kuya guy, alam kong naguguluhan ka ngayon kasi wala ka pang experience. Hay nako, totoo nga yung sinaaabi nila, na ang mga matatalinong tao, bobo sa pag-ibig hahaha!" even though Milly sounds like she's just joking I know she meant what she said.

"Okay. Thanks Milly. You made me understood what I'm feeling right now." I'm so thankful that I have a friend like Milly.

"Yeah. Basta kapag ready ka na, ako una mong sasabihan kung sino si 'speed guy' ha?"

"Okay." sagot ko. I ended the call and then took a quick shower before going to bed.

Kasalukuyan akong nagbabasa ng biglang tumunog ang phone ko na nasa study table ko. Agad ko naman itong kinuha at tinignan kung sino yung caller. My eyes widened when I saw who is calling.

Damon Julian

Nanginginig pa ang mga kamay ko ng sinagot ko yung tawag niya. Naalala kong nag-exchange phone numbers pala kami kanina bago magpaalam sa isa't isa.

Volleyball Sweetheart (Sporty Princess #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon