Chapter 2

73.5K 1.8K 1.4K
                                    

Reminder guys: ALL CHARACTERS, PLACES (especially schools) and etc are just FICTIONAL.

Also, this story contains a lot of wrong grammars. I'm not perfectly good at English but I'm trying to write using that language to express more details that I can't write in Tagalog. I hope you understand and thank you for reading my story.

              

"Geez, ang awkward talaga ng lakad ni Sophie." rinig kong bulong ni Gwen kay Lia dahil nasa likod lamang nila ako.

"Haha! Sinabi mo pa, kulang nalang may hawak siyang bola at tumambling." natatawang bulong din ni Lia kay Gwen.

"Bakit kasi ganyan siya maglakad, di naman pang pageant eh. Tignan mo yung ibang schools tinatawanan tayo dahil sa kaniya. Buti nalang mataas self confidence nitong babaeng to." iritadong sabi ni Gwen habang sinasabi yon.

Wala naman akong pake kung ano ang tingin ng ibang schools sa amin dahil lang sa ganun maglakad si Sophie. Lahat naman may imperfections, pero nasa sa'yo na kung papaano mo ito maidadala.

Mas gusto ko nalang matapos itong opening ceremony at makapagpahinga na. Kanina pa kasi kami nakatayo habang hinihintay ang turn namin para lumabas at maipakilala as representative ng VU.

"Teka, si Jillian Krae yan di ba? Totoo nga yung balita na sa VU siya sumali." bulong ng isang athlete mula sa isang university na kasali dito sa SAU League sa katabi nito.

Bakit ba ang dami kong naririnig na bulungan ngayon. Sobrang linaw ba ng pandinig ko?

"Oo nga no! Bakit kaya sa VU siya sumali, ang alam ko nag-offer ang Wilhelm at Stuartz sa kaniya ha. Sayang naman yun kasi ang alam ko malaki ang ino-offer ng Wilhelm at Stuartz sa mga nire-recruit nila." bulong ng katabi nito.

"Pero ang ganda niya sa malapitan oh. Grabe mas maganda pa siya kaysa sa muse nila. Bakit kaya hindi siya yung kinuha magrepresent sa school nila.?"

Madami pang bulung-bulungan akong naririnig dahil sa akin pero hindi ko nalang ito pinansin at kunwari nalang nakikinig sa nagsasalita sa may stage.

"Kita mo yun Jill, ang daming mga nakakakilala sa'yo kahapon sa ibang universities, di pa man nagsisimula volleyball season pero sikat na sikat ka na." bungad sa akin ni Chelsey nang makarating ako sa gym para magpractice.

"Hindi ko naman iniisip yon, mas nagfofocus ako sa main goal natin na makapag-champion." sabi ko sa kaniya.

"Jill, sama ka sa amin bukas? First game kasi ng VU mens basketball at kalaban pa nila agad ang Wilhelm na defending champion last season. Nood tayo at support natin sila." sabi ni captain ng matapos ang practice namin. "Pero okay lang kung may iba kang gagawin." dagdag nito.

"Pero mag-advance reading ako bukas ng mga future lessons namin eh." sagot ko sa kaniya.

"Sige na Jill, ngayon lang naman tayo manonood at magbo-bonding as a team." pangungumbinsi naman ni Trixy sa akin.

"Ahmm.. Okay." Dahil na din sa pangungulit nila ay napapayag nila ako. Ayoko namang maging killjoy at isa na din siguro to sa makakatulong sa akin para mas maka-close pa silang lahat.. Minsan lang naman mangyari to.

Kinagabihan ay tinawagan ko si Milly at sinabing manonood ako ng basketball game ng VU at Wilhelm bukas.

"Really?! Himala ata at nagkainterest ka sa ibang sports maliban sa volleyball." hindi makapaniwalang sabi ni Milly sa kabilang linya.

"Ayoko din namang maging killjoy sa team kaya pumayag na akong manood kasama sila." sabi ko sa kaniya.

"Try kong humabol, hanggang 5pm pa kasi yung last class ko eh. Di ba 3pm mag-start yung game? O baka pwedeng di na muna ako pumasok sa last class ko haha!" agad naman napakunot ang noo ko sa huli niyang sinabi.

Volleyball Sweetheart (Sporty Princess #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon