Chapter 16

51.5K 1.1K 190
                                    

I won't use Third Person's POV here since this game takes alot of emotional challenge for Jillian because the team they were facing are full of confidence and that they are good at taunting players. All their opponents got intimidated by that.

**

Weeks have passed at nasa ika-pitong games na kami, and believe it or not, wala pa kaming talo.

Nandito na kami ngayon sa loob ng Arena at kami ang naka-schedule for second match. Ang makakatunggali namin ay ang Stuartz.

I've watch some of their videos from their matches last season and I must say that they are an aggressive team. Para silang palaging uhaw sa panalo at 'yon ang mas nakakatakot kalabanin. Their fighting spirit is on another level and I'm still thinking why they've lost to Wilhelm Team.

Nakakgulat dahil malakas ang Stuartz, magagaling ang lahat ng kanilang spikers. All around plays and everything. Kaya masasabi kong mahihirapan kaming kalabanin ang Stuartz dahil doon.

Hindi sanay ang team sa sunud-sunod na panalo base nalang sa previous record nila last season. Kumbaga last season kapag kakalabanin ng malalakas na team ang Venusville, sure win na.

Pero iba na ngayon. Venusville is the dark horse this season. Pero hindi pa sanay ang team sa ganitong sitwasyon. Their confidence are still lacking and I want them to be like those Stuartz players to have such a high confidence on their self.

Stuartz Team's height average is way more bigger than us. Looks like almost their players are 5'10 ft and above. While us Venusville just averaging 5'10 ft.

Hindi naman nagtagal ay pinakilala na ang first six ng magkabilang team.

Same first six for Venusville Team.
Lia--Trixy--Jillian
Gwen--Leigh(Maicy the libero)--Mel

Service ang pinili ng Stuartz kaya naman sila ang unang magse-serve ngayon. Expected ko na 'yon since blocking ang isa sa kanilang speciality dahil sa kanilang height advantage.

Si Lia ang nakareceive at maganda ang pasa nito sa akin. Nagready ang mga blockers ng Stuartz para kay Lia dahil sa itsura at form ko ngayon, sa kaniya ko talaga ise-set iyon pero nagkakamali sila, isang backset kay Gwen para sa backrow attack nito ang ginawa ko at gulantang ang team Stuartz dahil doon.

Hindi lang sila ang nakapag-scout sa amin. Maging kami din. Alam namin kung paano sila magbantay sa net. Kaya naman prinactice namin ang iba't ibang backrow attacks para dito.

Sa mga videos na napanood namin, hindi sila makatiyempo ng maayos kapag backrow attack ang kanila iba-block. Kaya yun ang isa sa ginawa naming game plan ngayon. Ang gamitin din sa offense ang mga players na nasa backline.

"So, ito pala ang pinagmamalaki nilang setter." rinig kong sabi nung isang player ng Stuartz na sa tingin ko ay isa sa kanilang open spiker.

"Magaling ka nga, pero durog ka sa amin mamaya. Tignan lang natin kung makakapagset ka pa ng maayos." sabi naman nung isang middle blocker at sabay silang tumawa.

Hindi ko nalang sila pinansin at pumunta na ako sa service line para mag-serve. Jump serve agad ang ginawa ko. Hindi naman nahirapan ang Stuartz sa pagreceive nito kaya naman nagready kami para sa defense.

Agad binigay ng kanilang setter ang bola doon sa middle blocker kanina. Dinerekta niya ang kaniyang spike sa akin at halos kamuntikan pa akong ma-facial sa bilis nito. Mabuti nalang ay nakaiwas ako pero napunta pa din sa Team Stuartz ang puntos dahil in pa rin yung bola.

"SAYANG!!!" natatawang sigaw ng mga teammates ni Eugenio, yung middle blocker na umatake kanina at muntik maka-facial sa akin.

Nangunot naman ang noo nina Gwen at Lia sa narinig. Nag-aalalang nilapitan nila ako. Ngumiti nalang ako to assure them that it is nothing to me. Hindi ako pwedeng magpadala sa mga pang-aasar nila sa akin.

Nagpatuloy ang laro at nag-serve na ang setter ng Stuartz. Si Lia ulit ang nagreceive nun. Pagkapasa nito sa akin nung bola, agad ko itong sinet para kay Trixy para sa isang running spike. Maayos ang pagkakaset ko sobrang bilis ng depensa ng Stuartz at nablock nila ang atakeng 'yun ni Trixy.

Dumagdag pa sa bilis nila ang mahahaba nilang mga kamay at ang kanilang height advantage.

Doon ako nakaramdam ng kaba dahil kailangan kong gumawa ng paraan para mautakan ang mga net defenders ng Stuartz.

Masiyado silang mabilis at tamang-tama ang ginagawa nilang read blocks sa akin.

As a setter, dito mate-test ang diskarte mo kung papaano mo maiiwasan na hindi mabasa ng mga blockers ang mga sets mo.

"Go Jillian!" rinig kong cheer ni Milly sa isang side. Alam kong magkakasama ang mga ito nina Nathan at Julian.

Kahit konti ay nakatulong ang cheer nila para matanggal ng kaunti ang tense na nararamdaman ko ngayon.

Lamang na ng lima ang Stuartz sa first set. Kasalukuyang nasa second technical timeout na kami.

"Jillian, ilalabas muna kita dahil mukhang ikaw ang pinag-aralan ng husto ng Stuartz. Si Jam muna ang ipapalit ko sa'yo." sabi ni coach at lumayag naman ako sa sinabi nito. Kailangan ko din ito upang mas makapag-isip kung ano ang susunod kong diskarte mamaya kapag pinasok na ako.

"Pansin mo banh mabilis ang kinikilos ng mga blockers ng Stuartz?" sambit ng isa sa mga coaching staff namin.

"Opo." sagot ko.

"Look at what will Jam do. We told her to slow down the pace. Nasanay ang tayo sa mga fast sets kaya naman wala tayong chance para baguhin ang tira natin. Diretso agad sa mga blockers. Kapag binagalan natin ang tempo, mas makakapag-adjust tayo mid-air at makakahanap ng lusot sa mga blockers ng Stuartz." anito at may punto siya.

Dahil doon ay inaral ko nang mabuti ang mga galaw ng Stuartz at ang pagset ni Jam gamit ang slow pace sa amin team. Nakakapag-adjust nga ang mga teammates ko kapag titirahin na nila ang bola. Hindi na mabilis na palo ang nagagawa nila.

Nakakapag-isip din sila ng kanilang gagawing atake dahil mas nagkakaroon sila ng oras para makita ang defensive formation ng kalaban.

Nagtawag naman ng timeout ang Stuartz dahil nakakahabol na ang team namin. Dalawa nalang ang kalamangan nila. Pinuri ko naman si Jam sa galing nitong mag-adjust sa mga spikers namin.

Ngayon, alam ko na ang gagawin sa kras na ibalik ako sa loob ng court. Alam ko na ang kahinaan ng Stuartz.

**
Short update for you guys. Sana maenjoy niyo parin and don't forget to vote angd leave comments. Thank you!

Volleyball Sweetheart (Sporty Princess #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon