Chapter 26

47.4K 1K 259
                                    

The day has come and it was now our last game of the elimination round and if we win this game, we are automatically book a ticket to the finals and that was our main goal right now. I don't want my team to feel the pressure because I know it'll affect our game later that's why I told them tonrelax, think happy thoughts and focus on the game like what we were doing during practices.

Madali lang naman namin natalo ang Wilhelm noon pero dahil sa kawalan ni captain Mel, nagkabutas ang aming line up at gagamitin iyon ng Wilhelm bilang chance para matalo kami.

Nicole is the star player of Wilhelm and currently she's the best scorer but Lorraine is just next to her so I know they are on the same level. I will still play as a setter because I need to guard Nicole in terms of blocking.

Mahina kami sa blocking department but I can read her attacks very well kaya naman nagpasya ako at ang team na magiging setter sa larong ito. Kapag hindi naman nagwork iyon ay mapipilitan ang team na gawin ulit akong attacker.

Hindi pa magaling si captain pero ilang araw nalang at gagaling na ito at babalik na sa dati. Nandito siya ngayon sa loob ng Arena kasama ang parents niya bilang suporta sa amin dahil mahalaga ang game na ito ngayon.

Nang makita ko ang parents nito ay naalala ko agad si daddy at mommy. I hope masaya ngayon si mommy habang pinapanood akong tuparin iyong dreams namin. At sana one time, mapanood ako ni daddy na naglalaro ng volleyball ngayong college na ako.

Third Person's POV

Dinig sa loob ng Arena ang malakas na hiyawan at palakpakan ng mga audience nang lumabas na ang dalawang teams na maglalaro sa pangalawang game ngayong araw.

Madami ang makikitang nakasuot ng blue at red sa iba't ibang sulok ng Arena. May iba na may hawak pang banners at mga kulay asul at pulang lobo bilang pakita ng suporta sa mga teams na kanilang kinakampihan.

Same line up pa rin ang gagawin mg Venusville team tulad ng line up noong kalaban ang Stuartz kung saan first six si Kim pero sinabihan ng lahat si Jam to get ready dahil anytime baka kailnganin ulit ng team ang ginawa nila ni Jillian last game.

Sa kabilang team naman ay problemado ang coach ng Wilhelm lalo pa at nakita na niya ulit ang dating Jillian na kaniyang gustong irecruit.

Nagsimula na ang laro at ang Wilhelm ang unang nagserve. Si Kim agad ang target nila pero sa nakalipas na mga araw, puspusan ang ginawa nitong pagpapractice sa receiving. Nagpatulong pa ito sa kay Jillian kaya naman tiwala ang team na makakaya na nito ngayon ang magreceive ng walang pag-aalinlangan.

Maayos na naipasa ni Kim ang bola kay Jillian kaya agad nito iyong sinet para sa running attack ni Leigh(middle). Mabilis ang naging galaw nina Jillian at Leigh kaya naman nahuli na sa pagblock ang Wilhelm at ang unang puntos sa match na ito ay napunta sa Venusville.

Si Jillian na ang magse-serve at si Nicole ang target nito.

Siya ngayon ang nagunguna in terms of attacking and scoring kaya naman game plan ng Venusville ang limitahan ang chance nito para sa pag-atake.

Apat na sunod na service ace agad ang nagawa ni Jillian dahil hirap na hirap ireceive ni Nicole ang mga serves niya. Dahil don ay nakaramdaman ng inis si Nicole kay Jillian dahil napapahiya na siya sa harap ng mga tao dahil sa hindi siya makareceive ng maayos.

Nagtawag ng timeout ang Wilhelm dahil nakalimang puntos na sunod na ang Venusville pero wala pa din silang nagagawang puntos.

Nang matapos ang timeout ay bumalik ulit si Jillian sa service line.

"Go babe!!!" dinig na dinig ng lahat ang cheer na iyon ni Julian at nagtawanan ang dalawa nitong katabi na sina Milly at Nathan dahil todo sila makacheer kay Jillian kahit taga-Wilhelm sila.

Volleyball Sweetheart (Sporty Princess #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon