Chapter 21

48.4K 1.1K 203
                                    

R-18

Matapos naming maglakad-lakad sa tabing-dagat ay nagpasya na kaming bumalik sa aming mga rooms. Naalala kong binigay ko pala kay Nathan yung susi at sa tingin ko ay tulog na si Milly kaya naman hinintay ko si Julian sa tapat ng room nila para kuhanin nito kay Nathan yung susi.

"He's not here." sabi ni Julian nang lumabas ito mula sa room nila.

"You mean, kasama siya ngayon ni Milly sa room namin?"

"Probably. Come with me. Dito ka nalang matulog sa room namin." hindi na ako tumanggi doon dahil gusto ko rin naman siyang katabi matulog. At saka ayoko na ding istorbohin sina Milly at Nathan, kung natutulog man sila o ano. Wala na akong pakialam doon.

Agad naman akong humiga doon sa tinuro ni Julian na kama niya. Napabangon ako ng maalala kong hindi pa pala ako nakakapag-toothbrush kaya naman pumunta ako sa bathroom nila at kumatok doon.

"Babe! Do you have a spare of toothbrush?" sigaw ko sa may pinto ng bathroom. Binuksan naman nito yung pinto at nakita kong nagsesepilyo na pala siya, pinapasok ako niya ako at tinuro niya sa akin kunh saan nakalagay yung mgantoothbrush na hindi pa nagamit. Kumuha ako ng isa dun at inalis ang cover nito pagkatapos ay hinugasan ko.

Nagsepilyo na din ako at pareho kaming nagkatinginan sa salamin. Napangiti pa ako dahil kumindat ito sa akin bago ito magmumog at lumabas ng bathroom. Pinagpatuloy ko ang pagsepilyo at pagkatapos noon ay sumunod na ako ditong lumabas at nakita ko siyang nakahiga na doon sa kama nito.

Agad akong tumabi sa kaniya. Binalot yung sarili ko sa comforter bago yumakap sa kaniya at ginawang unan yung isa niyang braso.

"Babe, where do you see yourself 10 years from now?" tanong ko dito.

"Married and have a family with you." sagot agad nito.

Natuwa naman ako sa sinagot niya kaya mas lalo kong hinigpitan yung yakap ko sa kaniya.

Hindi naman nagtagal ay nakatulog na ako at kinabukasan, sinubukan namin ang iba't ibang water activities doon.

Totoo nga yung sabi nila, na kapag masaya ka hindi mo namamalayan ang oras at ngayon ay pauwi na kami dahil ilang araw nalang ay pasko na. Doon na ako sa bahay namin ihahatid ni Julian dahil doon ako magce-celebrate ng pasko.

"Bye babe." paalam ko dito. Hinawakan niya lang ang mukha ko at binigyan ako ng isang magaang halik sa aking noo.

"Bye." paalam nito.

"I love you!" sigaw ko nang makalabas na ako at nag-flying kiss pa sa kaniya bago pumasok sa bahay.

"Good morning, Nanay Sela!" masayang bati ko sa aming pinakamamahal na kasambahay na naging nanay na din ang turing ko sa kaniya.

"Oh, nandito ka na pala Jillian, kamusta ang pag-aaral mo? Alam mo bang pinapanood namin parati ang mga laro mo dito sa bahay niyo?" excited na sinabi ni Nanay Sela.

"Talaga po? Maraming salamat po. Maayos naman po ako at ang pag-aaral ko." sagot ko sa mga tanong niya.

"Mabuti naman kung ganon."

"Ahhmm.. nga pala 'nay, may boyfriend na po ako." pag-aamin ko sa kaniya dahil kahit kailan ay hindi naman ako naglihim dito dahil kapamilya na din ang turing ko sa kaniya.

"Naku! Siguraduhin mo lang na mabait ang nobyo mo Jillian." pagbabanta nito.

Natawa naman ako doon. "Huwah kang mag-alala 'nay, sobrang bait po niya, at sobrang gwapo pa!"

"Naku! Dapat lang hija dahil sa ganda mong iyan at sa kabaitan mo, nararapat lang na ganun ang maging boyfriend mo."

Nagkwentuhan pa kami ni Nanay Sela doon sa may kusina habang hinihintay si daddy dahil nabanggit nito sa akin na maaga na daw umuuwi si daddy magmula nang lumipat ako sa dorm.

Volleyball Sweetheart (Sporty Princess #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon