Chapter 12

55.1K 1.5K 398
                                    

Nagsimula na nga ang laro at nasa second quarter na. Lamang naman ngayon ang Venusville ng tatlo. Napansin kong medyo off ang laro ni Nathan ngayon, kadalasan kasi ay isa siya sa mga gumagawa ng madaming points gaya ni Julian.

Nakatanggap naman ako ng text mula kay Milly at nagtatanong kung kamusta na daw yung game. Sinabi kong lamang ang Venusville at walang laro si Nathan.

Hindi naman na ito nagreply agad kaya naman bumalik ulit ako sa panonood ng game. Napansin kong nilabas muna si Nathan dahil pangit ang pinapakitang laro nito. Halos si Julian nalang ang bumubuhat sa team.

Nagulat naman ako nang biglang tumunog ang phone ko at nakitang si Milly ang tumatawag. Nag-excuse naman ako kay Tita Jess, name of Julian's mother, para sagutin yung tawag.

"Can you go outside? Sunduin mo ako." sabi ni Milly sa kabilang linya nang sagutin ko ang tawag nito.

"Huh? I thought you were on a date?" nagugukuhang tanong ko.

"I ditched my date. Like gusto ko naman makipagdate sa mga nirereto nila mommy. Sunduin mo na ako dito." sabi nito. Bakit ang sungit niya ngayon. Nagpaalam naman ako kila Tita Jess na lalabas muna para sunduin si Milly. Pumayag naman sila kaya diretso na ako papaunta sa labas.

Nang makalabas ako ay nakita ko agad si Milly na naghihintay sa akin at nakadress pa ito na sigurado akong ito ang sinuot nito doon sa naudlot niyang date.

"Halika na! May extra ticket pa ako dito na alam kong para sa'yo yun kasi di ka makakatiis panoorin si Nathan." pang-aasar ko sa kaniya.

"Nakakainis ka!" sabi nito at umirap pa siya sa akin.

Tinawanan ko lang siya at nagtungo na kami sa loob. Pagkaupo namin sa tabi ni Tita Jess ay pinakilala ko naman si Milly sa kanila.

Malapit nang matapos ang second quarter at lamang parin ng tatlo ang Venusville. Hindi naman na pinaglaro si Julian para makapagpahinga ito para sa susunod na quarter.

Natapos ang first half na lamang ng lima ang Venusville. Pabalik na sina Julian sa kanilang locker room nang lingunin ako nito at nginitian ko naman siya agad. Kasabay nitong maglakad si Nathan kaya napatigil ito at napatingin din sa gawi namin.

Kitang-kita ko ang gulat sa mukha nito nang makitang katabi ko si Milly na busy naman sa kung ano sa phone nito. Bago naglakad muli yung dalawa ay nakita kong ngumiti si Nathan.

Hmmm...

Gaya nung una, nagperform ulit ang kaniya-kaniyang cheerleading team ng dalawang schools sa buong half time break.

Matapos 'yon ay lumabas nang muli ang dalawang teams dahil mayamaya lang ay magsisimula na ulit ang laro. Lumapit naman si Julian kasama si Nathan sa amin kaya kinalabit ko si Milly na busy pa rin kuno sa phone niya.

Hindi effective ang pagkalabit ko sa kaniya kaya kinurot ko siya sa braso kaya napaangat ang tingin niya para sana sitahin ako pero napatigil ito ng makita si Nathan sa harap namin.

Hindi alam ni Milly kung anong gagawin kaya at parang gusto na nitong umalis pero pinigilan ko ito at sinabihan na kausapin niya si Nathan. Alam ko naman na may reason si Nathan kung bakit niya nasabi iyon kay Milly at alam ko din na hindi nito sinasadya na marinig iyon ng nga teammates niya.

Masasabi kong mabait si Nathan dahil kapag magkasama kami ni Julian ay siya ang palaging binibilinan ni Julian about sa basketball trainings nila. Lalo na noon nasa recovery palang si Julian. Si Nathan palagi ang kinakausap nito. Hindi naman daw co-captain niti si Nathan pero mas madali daw kausap at maaasahan talaga ito.

Tinulak ko pa si Milly para makalapit doon kay Nathan.

"Hi." alanganing bati ni Nathan kay Milly. Hindi naman ito nagsasalita at nanatiling nakayuko lang.

Volleyball Sweetheart (Sporty Princess #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon