Chapter 13

54.9K 1.1K 71
                                    

I was now preparing to sleep when Milly called me and asked me to open my Instagram account. Ginawa ko naman iyon at bumungad agad sa akin ang post ni Julian na picture namin kanina sa celebration party sa kanilang bahay.

Madaming shots yun pero ang pinakauna talaga niyang pinost ay yung picture namin kung saan nakahalik siya sa pisngi ko habang nakangiti ako sa harap ng camera.

Sumunod ay ang picture namin kasama sila Milly at Nathan, picture niya with his mom and kuya tapos silang lahat ng teammates niya.

May isa pang nakahiwalay itong post kung saan hawak nito ang kanilang trophy at yung MVP trophy niya. Nagcomment ako doon ng isang heart emoticon at natulog na pagkatapos.

Kinabukasan ay maaga kaming mineeting ng aming team manager para sabihing bukas ay magkakaroon kami ng photoshoot para sa nalalapit na volleyball season. Sinabi din nito na required kaming magpagupit at magpaikli ng buhok.

Kaya naman pagkatapos ng klase ko ay nagpasundo agad ako kay Milly para siya ang gumupit sa akin. Alam naman nito na hindi ako basta-basta nagpapagupit sa kung sinu-sino. Naging model kasi ako ni Milly noong highschool para sa isang haircutting competition at sobrang nagustuhan ko ang gupit niya sa akin noon. May talent din kasi sa haircutting si Milly at mabilis lang naman agad humaba ang buhok ko kaya okay lang na paiklian ito.

Nang masundo niya ako at makarating sa dorm niya ay inihanda niya agad yung mga gamit niya para sa paggupit sa akin.

"Sayang naman ang haba ng buhok mo." sabi nito habang ginigupitan ako.

"Don't worry. Mabilis naman humaba ang buhok ko kapag ikaw ang gumupit sa akin."

Ilang minuto din ang ginugol nito sa paggupit sa akin at natapos na ito. She did a bob haircut to my hair kaya expose na expose ang batok ko.

"Grabe ang pretty mo pa rin talaga kahit anong hairstyle pero mas naging fierce ang mukha sa ganitong," sabi nito na halatang proud na naman sa nagawa niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Grabe ang pretty mo pa rin talaga kahit anong hairstyle pero mas naging fierce ang mukha sa ganitong," sabi nito na halatang proud na naman sa nagawa niya. Napangiti naman ako ng makita ang sarili sa salamin.

"Thanks Milly." sabi ko nang maihatid niya ako  sa Venusville. Nagwave na kang ito sa akin at saka umalis. Hindi agad ako pumasok sa loob dahil alam kong naghihintay sa akin si Julian sa labas ng Venusville.

"Hi babe." sabi ko nang makapasok ako sa kotse niya. Nagulat naman ito ng makita ang itsura ko.

"You cut your hair." anas nito habang nakatitig sa maikli kong buhok.

"Yeah. Required sa team na dapat maikli lahat ang buhok. Pangit ba?"

"You look more attractive now and this..." sabi nito sabay haplos sa may batok ko. "This is my weakness you know that."

Natawa naman ako sa huling sinabi nito. Naalala ko pa kapag magkatabi kaming nakaupo, lagi nitong hinahawi yung buhok ko sa isang side para mahalikan niya yung batok ko. Sobrang puti daw kasi at nakakagigil daw.

"You like it?" tanong ko sa kaniya.

"I love it." sagot nito. Napangiti naman ako sa sinabi nito.

"Two weeks from now, start na ng volleyball season. Excited na ako pero at the same time kinakabahan din."

"It's natural that you feel nervous. Ako din last year, sa sobrang kaba ko nagmintis agad pinakaunang attempt ko sa pagshoot." natatawang kwento nito sa akin.

He hugged me after to ease the worries I'm feeling right now.

"I know you'll overcome your nervousness. Ikaw pa. Mas matapang ka sa akin eh." he said while comforting me through his hugged.

"Bolero." sabi ko at gumanti ng yakap sa kaniya. Isinubsob naman nito ang mukha sa may bandang leeg ko paputang batok ko at binigyan ito ng magaang halik na nagpakiliti sa akin.

"Stop it." natatawang sabi ko habang nakikiliti na dahil pinaggigilan na nito ang paghalik sa leeg at batok ko.

"Can't help it babe. Your haircut makes me so damn attracted to you." sabi nito habang patuloy pa rin sa paghalik doon.

Halos hindi na ako makahinga kakatawa dahil sa kiliting nararamdaman ko mula sa mga halik niya sa batok ko.

"Just make sure you don't leave marks there ha. Hindi ko na matatakpan yan gamit ang buhok ko dahil maikli na ito." Hindi naman nagtagal ay tumigil na ito at nagpaalam na din ako sa kaniya.

Nandito kami ngayon sa isang studio dito sa network kung saan pinapalabas ang mga games ng SAU League. Hindi lang pala photoshoots ang gagawin namin. May mga videos pa for commercials and then interviews.

Meron namang nakatoka sa amin para sa hair and make up. Wala ng problema sa susuotin namin dahil ang volleyball uniform namin ang aming susuotin.

Huli naming ginawa ang interview kung saan nagbigay kami ng mga opinions about this season, and since I'm still a rookie, sina Captain at Gwen ang madalas sumasagot na tanong.

Nagkaroon pa ng question and answer portion at naitanong pa kung sino ang may boyfriend na at kung sino ang wala.

Lima lang kaming ininterview, at nakakahiya na ako ang rookie dito pero ako ang may boyfriend. Nagtawanan sina Gwen at Lia at maging yung host na nag-interview sa amin.

"Sa Saturday na ang first game natin against Traelhore University." bungad ni captain sa amin habang nagpapahinga dahil sa practice.

"Heto yung ranking last year:

1. Wilhelm University -
2. Stuarts University
3. Traelhore University
4. Eastwood University
5. University of Streinfied
6. University of Ravenleign
7. Leighton University
8. Venusville University
9. Veindane University
10. Halledine University

kaya masasabing magaling din ang Traelhore University. I heard nakuha nila ang isang highschool standout kagaya ni Jillian at open spiker ito." si team manager.

"Oohh.. Sino kaya yun? Sayang at di natin nakita mga players ng Traelhore noong photoshoot. Ikaw Jillian, since kabatch mo yun, kilala mo ba?" tanong ni Gwen sa akin.

"Wala akong idea kung sino siya?" sagot ko.

"Hindi niyo siya kilala since galing siya sa Canada. Dun siya naging highschool standout pero madami na ang nagrerecruit sa kaniya dito samga schools sa Pilipinas eapecially yung mga universities na kasalinsa SAU League." wika ni team manager.

Bigla namang may naalala akong isang tao na matagal ko nang hindi nakikita simula noong second year highschool kami. At magmula noon, hindi na kami nag-usap dahil pangit ang paghihiwalay naming dalawa. Wala na akong balita sa kaniya.

Hindi maganda ang paghihiwalay naming dalawa nang umalis ito papuntang Canada. Hindi ko alam pero parang may parte sa puso ko na umaasang siya yung narecruit ng Traelhore University.

Sana si Lorraine yun. Ang bestfriend ko na hindi ko alam kung ganun pa din hanggang ngayon.

**

Short update. Next chap would be their first game against Traelhore University.

Don't forget to vote and leave comments. Thank you!


Volleyball Sweetheart (Sporty Princess #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon