Chapter 29

45.5K 991 337
                                    

"This is it!" wika ko sa aking sarili nang magising ako kinabukasan. Ngayon na ang pinakahihintay naming Game 1 of the Finals. At ibibigay na namin lahat-lahat makuha lang ito.

Mom, I hope you're proud of me. This is our dream and finally, I'm so close in achieving it.

I've also texted my father. Well, lagi naman kapag may game kami. Kahit hindi siya magreply atleast alam kong naiinform ko siya about sa progress ng volleyball career ko.
At sana makanood siya, kung hindi man ngayon, sana sa Game two.

I've also received text messages from Julian and Milly. They sent their goodlucks on me.

Nang sumapit ang tanghali ay nagtungo na ako sa aming gymnasium. Hindi na ako magtataka na halos kumpleto na kaming lahat na nandun. Lahat ay excited.

"Late ka na, Jill!" biro sa akin ni Lia.

"Maaga lang kayo." sumbat ko. Nagtawanan naman sila at nang dumating ang aming school bus ay sumakay na kami agad doon.

Nang makarating kami sa Arena ay bumangad agad sa amin ang madaming supporters at fans na sure akong sa Venusville dahil naka-pula silang shirt.

Kumaway kami sa kanila pagkababa namin sa school bus. Mabuti nalang at may barricade doon kung hindi baka dinumog na kaming lahat. Lalo na ako dahil halos lahat ng makikita kong banners ay may mukha ko.

Kumaway pa kami ulit sa kanila bago pumasok sa loob ng Arena. Nang makarating kami sa locker room ay diretso kain na kami ng lunch. Mamayang 3 pm pa ang game pero kailangan ay maaga kami dito para iwas na din sa traffic dahil paniguradong maabutan kami kapag one hour before the game kami umalis.

Matapos kumain ay nagpunta ako kasama si Gwen sa cr para doon magtoothbrush. Naabutan naman namin doon si Nicole, ang star player ng Wilhelm na may kausap sa phone habang nag-aayos ng kilay.

"Yes, dad. Sure! Gagalingan ko po. Basta yung request kong car sa'yo ha kapag nanalo kami. Talaga po?! Thank you, dad! I love you!" masayang litanya ni Nicole sa kausap na sa tingin ko ay ang daddy niya.

Tumingin pa ng makahukugan sa akin ni Nicole bago lumabas. Ipinagsawalang bahala ko naman iyon at saka nagpatuloy sa ginagawang pagtoothbrush. Matapos kami ni Gwen ay bumalik na ulit kami sa locker room. Magpaoahinga kami sandali at lalabas na papuntang court para doon na magstretching.

Hiyawan naman ang lahat dahil sabay lang pala kami ng Wilhelm sa paglabas papuntang court. Agad kaming nagpunta sa bench area para ilagay ang iba naming gamit at saka pumunta na sa court para sa aming stretching.

Si Gwen ang partner ko habang nagstretching. Ako ang umaalalay sa kaniyang paa ngayon at ganun din siya mamaya.

"Ang supportive ng Daddy ni Nicole no?" sabi ni Gwen.

"Yeah." maikling pagsang-ayon ko. Hindi ko kasi maiwasang mainggit dahil hindi pa din ako nakakakuha ng isang message kay daddy. Sana ganun din siya kasupportive sa akin.

Nang matapos kami sa stretching ay sumond naman naming ginawa ang receiving at digging drills. Si coach ang nagha-hampas ng bola habang kami naman ang sumasalo. Dalawang beses iyon. Ang una ay malumanay lang habang ang pangalawa ay sobrang bilis. Dito malalaman kung gaano kabilis ang reflexes mo sa bola.

Sumunod naming ginawa ay ang service at spiking drills. Kaming dalawa ni Jam ang nagse-set sa kanila. Ganadong-ganado pa rin si captain. Nalaman kong manonood pala ng live si Edward ngayon.

Nang matapos ang mga drills na iyon ay balik na kami sa bench area.

Nahagip naman ng paningin ko sina Julian, Milly at Nathan na nakaupo sa pinakaunang row sa baba. Doon sila nakapwesto sa tapat ng service line.

Volleyball Sweetheart (Sporty Princess #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon