Chapter 19

54.1K 1.5K 175
                                    

Two days to go nalang at maghaharap na kami ulit ng Wilhelm University Team. I don't know but I'm so excited right now. Siguro dahil sa nangyari nung tune up game namin. Gusto kong makabawi kaya maman ngayon pa lang ay nae-excite na ako plus after this game I'm going on a vacation together with Julian, Milly and Nathan.

"Keep going girls!" sigaw ni coach sa mga teammates ko na kasalukuyang prinapractice ang kanilang digging skills habang ginagawa ko naman ngayon ang setting drills.

One of our coaching staff helping me to do my drills by passing the ball in different places. This is to test my setting skills na kahitbsaan manggaling yung bola ay maayos ko pa ding maise-set.

Una kong ginawa ay ang front set o ang pagset sa mga spikers sa aking harapan gaya ng mga open spikers at middle blockers. Sumunod ay ang back set o set para sa mga spikers ko na nasa aking likuran gaya nalang ng opposite hitter at ang running attack ng middle blocker.

Natapos ang dalawang araw na pagpa-pracgice at ngayon ay kasalukuyan naming binabagtas ang daan papuntang Arena kung saan gaganapin ang aming laban kontra Wilhelm University.

Sa sobrang excited ko kanina ay ako pa ang naunang dumating sa gym para hintayin ang mga teammates ko doon at sabay sabay kaming sasakay sa school bus.

Nang makarating kami sa Arena, nakita namin agad ang kumpulan ng aming mga fans sa labas. Nakakulay red ang mga ito at may mga balloons din silang red tapos mga banners.

Pagkababa namin ay hiyawan silang lahat kaya naman nagpasalamat kami sa kanila. Kumaway ako sa may fans na may hawak ng mga banners na may mukha ko. Napatawa pa ako dahil meron pa akong nakitang banner na nakalagay ay Lian Lian couple, pertaining to me and Julian. Nagpasalamat ulit ako sa kanila bago pumasok sa loob ng Arena at pumunta sa aming designated locker room.

"Ang daming supporters! Mapupuno kaya yung seats sa loob mamaya?" tanong ni Chelsey.

"I think oo. Kasi Wilhelm and Venusville both don't have a lose yet. So it's a battle for the number one spot ang labanan ngayon. Kaya madaming manonood kasi they know na magiging maganda ang laban dahil alam nilang parehong magaling ang dalawang teams na 'to." sabi ng isa naming coaching staff.

Matapos ang isang oras ay pumunta na kami sa loob dahil kakatapos lang ng first game. Tapos na kaming mag-warm up doon sa labas ng locker room. Ngayon namang nandito kami sa may court ay gagawin namin ang mga iba pa naming warm up drills.

Kasabay lang naming lumabas ang Wilhelm University at naghahanda na din sila para sa kanilang warm up drills. Unti-unti na ding dumadami ang mga audience sa loob.

"Jill, sure ka okay ka lang? Naalala mo yung gimawa sa'yo ni Nicole noong tune up? Mag-ingat ka ha." nag-aalalang sinabi sa akin ni Gwen.

"Oo naman, excited nga ako eh." sabi ko.

"That's the spirit!" masiglang sigaw ni Gwen at nagtawanan kaming dalawa.

Natapos na din ang warm up drills namin kaya naman bumalik na kami sa bench area para magready.

Isa-isa nang tinawag ang mga first six ng parehong team.

Nakakabingi ang hiyawan nang tawagin si Nicole. Expected na yun since maganda siya at siya ang star player ng Wilhelm. Napansin kong same line-up pa rin sila gaya noong tune up game.

Izzy - setter
Wendy - open spiker (captain)
Nicole - open spiker
Toni - opposite hitter
Ava - middle blocker
Bell - middle blocker
Barbara - libero

Sumunod naman kami. Ika-lima ako sa mga tinawag at sobrang nakakabingi ang hihawan ng mga taong nanonood ngayon sa loob. May iba pang pumito at yung iba ay sinisigaw ang pangalan ko.

Volleyball Sweetheart (Sporty Princess #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon