Sa Wednesday na ang Game 1 of the Finals between Venusville University and Wilhelm University. Nagdeclare na din ang school na walang pasok sa araw na 'yon para panoorin at suportahan namin ang basketball team.
Dahil puspusan na ang pagpa-practice ng basketball team namin ay hindi muna kami magpa-practice ng ilang araw para masolo nila yung buong court.
Nagtext si Milly sa akin kung sa kaniya daw ba ako sasama sa wednesday. Um-oo naman ako at ipinaalam ko ito sa mga teammates ko at pumayag naman sila.
Dahil isang outdoor activity na rin ang pagnood namin sa aming basketball team sa wednesday, required kaming magsuot ng red university shirt.
Hindi ko na rin muna inistorbo si Julian dahil alam kong busy siya ngayon sa pagpractice.
At sa nakalipas na mga araw ay nagfocus nalang muna ako sa pag-aaral para wala akong ma-miss na lessons kapag bumalik na ang regular class.
Bukas na ang laro at hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko ngayon. Nagtext si Julian kanina at sinabing kakatapos lang ng kanilang practice. I told him to take a proper good rest para maging okay ang katawan niya para bukas.
Kinabukasan ay maaga akong sinundo ni Milly dahil gagawa kami ng banner para kay Nathan.
"Hoy! Gumawa ka din ng banner para sa boyfriend mo!"
Binatukan ko siya. "Baliw ka talaga! Nakakahiya kaya, lantaran naman yung pagtraydor ko sa school namin kung may pa-banner pa ako para kay Julian."
"Hahaha! Pustahan tayo, yung jowa mo gagawin yan kapag ikaw na papanoorin niya maglaro ng volleyball."
"Hay nako! Bilisan mo na diyan para maaga tayong makapunta sa Arena."
Maaga nga kaming nakarating sa Arena at pagpasok palang namin sa loob ay madami na agad fans and supporters ang nandoon.
Papunta na sana kami ni Milly sa seats namin nang may humarang ulit sa amin para magpapicture.
"Hi miss Jillian! Pwede po bang magpapicture.?" tanong nito at pumayag naman ako. Madami sila at nakisuyo pa sila na kay Milly kung pwede na siya ang magpicture sa amin.
Marami pang nagpapicture sa akin at hindi ko alam kung ang iba sa kanila ay kilala ako. Napansin ko din na may iba pang pinagkakaguluhan ang mga supporters ng Wilhelm at Venusville sa isang banda.
Si Nicole pala iyon, yung isa sa open spiker ng Wilhelm University women's volleyball team. Sa isang banda naman ay si Sophie dahil siguro sa siya ang naging representative ng school namin sa pageant. Nai-televise din kasi ito kaya madaming nakakakilala sa kaniya ngayon.
Dumiretso na kami ni Milly, na nakabusangot ang mukha, doon sa aming seats. Dahil mabilis naubos yung ticket para sa game na ito kaya nasa fifth row kami ni Milly nakapwesto, napansin ko din na sa ibaba namamin, sa may second row nakaupo si Nicole at ibang teammates niya.
Doon ko lang narealize na ako lang pala ang nakared dun sa pwesto namin at lahat sila ay nakablue. Shit naman Milly! Bakit ba ako nagtiwala sa kaniya na siya nalang ang bumili at mamili kung saang row kami uupo.
Hindi ko oa man din nadala yung bucket hat ko para sana maitago yung mukha ko dahil nakakahiya na dito ako pumwesto ngayon.
Sinamaan ko ng tingin si Milly at tumawa lang ito marahil ay nagets niya na agad kung bakit naiinis ako sa kaniya ngayon.
"Di bale girl, maganda ka naman di ba?" pang-aasar nito at ginaya pa yung tono ng pagkakasabi ko na maganda ako noong last time na nanood kami ng basketball.
Babatukan ko sana ulit siya ng biglang maghiyawan ang mga manonood na nandito na sa loob dahil nagsilabasan na ang mga players ng Venusville University at Wilhelm University sa magkabilang side ng Arena dahil galing pa ang mga ito sa kani-kanilang locker room.

BINABASA MO ANG
Volleyball Sweetheart (Sporty Princess #1)
Fiction généraleJillian Krae Villegas is one of the most recruited highschool volleyball standout. A lot were recruiting her ever since she was still in highschool. Some schools recruiting her are Wilhelm University and Stuartz University, both teams who compete fo...