Nang makasakay si Lorraine sa backseat ay pumunta na ako sa harap para doon umupo. Hindi naman na nagtanong si Julian sa akin kung bakit ko kasama si Lorraine.
"Saan ka namin ihahatid Lory?" tanong ko sa tahimik na si Lorraine sa likod. Mas sanay akong tawagin siyang Lory dati.
"Sa school nalang, doon din kasi yung dorm namin." sagot nito at binalik ang tanaw sa bintana na nasa gilid niya.
Habang nagda-drive si Julian ay biglang tumunog ang cellphone niya. Dahil busy siya sa pagmamaneho ay ako nalang ang kumuha at sumagot non.
Dave calling...
"Babe, kuya Dave is calling." sabi ko ay sinagot na iyon kaagad at binigay kay Julian baka importante kasi.
"What?! Where are you? Okay fine.." sagot ni Julian sa kuya nitong nasa kabilang linya.
"Is it okay for you guys na sunduin muna si kuya? Nasiraan daw siya ng kotse sa daan." tumingin ako kay Lorraine na tahimik pa din at tumango naman ito bilang pagsang-ayon.
Lumiko naman agad si Julian para puntahan ang kinaroroonan ni kuya Dave ngayon. Ilang minuto ang nakalipas at nakita na namin si kuya Dave na nakasandal sa may kotse nito habang hawak ang kaniyang phone.
Agad naman itong lumapit sa kotse ni Julian at kumatok sa may bintana nito.
"I'm with my girlfriend and her friend, mag-adjust ka." iyon ang bungad ni Julian sa kapatid at sinara na nito yung bintana ng kotse niya at natatawang pumasok ito sa may backseat. Nagulat naman ito ng makita doon si Lorraine.
"Whoa, hindi ba siya yung magaling sa Traelhore?" hindi makapaniwalang tanong sa amin ni kuya Dave.
"Yes she is but bro, don't make her feel awkward. You are scaring her." saad ni Julian.
"Lory, that's my boyfriend's brother, Dave. Kuya Dave, she's Lorraine, as you mentioned, she's the star player in Traelhore team." pakilala ko sa kanilang dalawa. Nakipagshakehands pa si kuya Dave pero hindi iyon tinaggap ni Lorraine at binalik amg tingin sa labas ng bintana.
I forgot, may pagka-manhater pala itong si Lorraine noon at nakikipag-usap lang ito sa mga lalaki kapag close niya ang mga ito.
Dahil mauuna naming madadaanan ang Wilhelm University, si kuya Dave muna ang ihahatid namin. Akala ko ay ihahatid pa ni Julian ang kuya niya sa loob pero binaba lang nito iyon sa may gate nila.
"WTF bro?!" singhal ng kuya nito sa kaniya.
"Bye!" natatawang paalam ni Julian at pinaandar na yung kotse.
"Lory, naalala mo na ba yung sasabihin mo sa akin kanina." tanong ko kay Lorraine ng maalala ko iyong kanina. May gusto talaga siyang sabihin pero parang nag-aalangan siya kanina.
"W-wala nakalimutan ko na talaga." nauutal nitong sagot. I know Lorraine, nauutal ito kapag nagsisinungaling kaya alam kong hindi nito nakalimutan yung sasabihin niya.
"I know you Lory, nauutal ka kaoag hindi ka nagsasabi ng totoo. Sabihin mo na sa akin kung ano iyon."
Tahimik naman si Julian habang nagmamaneho.
"Wala talaga iyon. Nakalimutan ko na talaga." mukhang wala talagang balak sabihin ni Lorraine iyon kaya naman hindi ko na siya pinilit pa at itinuon ko nalang ang tingin sa harap.
Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa harap ng Traelhore University. Tulad sa amin ay nakakapasok pa rin ang mga students kahit gabi na basta maipakita lang ang student pass na doon ka nag-stay sa dorm sa loob ng school.
"Sige dito na ako. Salamat sa inyo." sabi ni Lorraine at bumaba na ito. Bumaba din ako para pormal na magpaalam sa kaniya.
"Lorraine!" tawag ko sa kaniya ng maglalakad na ito papasok sa kanilang school.
BINABASA MO ANG
Volleyball Sweetheart (Sporty Princess #1)
Художественная прозаJillian Krae Villegas is one of the most recruited highschool volleyball standout. A lot were recruiting her ever since she was still in highschool. Some schools recruiting her are Wilhelm University and Stuartz University, both teams who compete fo...