Chapter 28

45.4K 959 38
                                    

After our two days practice, nagdecide ang team na dalawin si captain Mel sa bahay nito para kamustahin. Ilang araw na rin lang naman at makakabalik na ito.

Nang makarating kami sa bahay nila ay agad kaming inasikaso ng mommy niya. Doon kami sa kanilang garden tumuloy dahil presko daw ang hangin.

Kinamusta naman namin agad si captain at sabi nito na hindi na masakit ang paa niya at pinapahinga nalang niya ito bago sumabak sa practice ulit.

"Mabuti naman kung ganun." sabi ni Leigh.

"Ah oo nga pala, palagi kang tinatanong sa amin ni Edward, kung kamusta ka na daw. Close pala kayo?" pareho kaming napatigil ni captain at nagtinginan sa isa't isa.

"They were both captains on their own sports, kaya natural na close sila." sagot naman ni Lia.

"Hmm...okay!"

Nagkatimginan kami ulit ni captain at nang magpaalam ito na may kukunin sa kusina ay nagvolunteer akong samahan siya.

"How are you now?" tanong ko agad sa kaniya nang makarating kami sa kusina.

"I'm okay Jill." sagot nito habang nakangiti.

"You're lying." prangka kong saad. "Hindi pwedeng sinosolo mo lang yung sakit captain, dapat mong ilabas iyan at nandito ako para tulungan kang mailabas lahat ng iyan. Alam kong kailangan mo ng makakausap and I'm here to listen without judging you." Yumuko ito at pinaglaruan ang basong hawak nito bago muling nagsalita.

"How I wish it's so easy to get your first lobe just like yours." she started. "Highschool palang kami noong nainlove ako sa kaniya pero hindi agad ako lumapit at nagpakilala sa kaniya. Hanggang tanaw lang ako noon. Pero laking tuwa ko noong nalaman kong magkaklase kami dito sa Venusville. Sinimulan kong magpapansin sa kaniya kahit sa anong paraan. Hanggang sa maging close kami.

Akala ko iyon na 'yon pero hindi pa pala. Dahil siguro sa mahal ko siya kaya kahit anong magpapasaya sa kaniya ginagawa ko, yung pagpicture sa'yo noong binigyan ka niya ng roses. Inutos niya sa akin iyon kahit ayaw kong gawin. Akala ko matapos mo siyang bastedin magkakapag-asa na ulit ako, pero nabaling naman kay Sophia ang atensyon nito. Hanggang sa nagpatulong siya sa akin na magset-up para sa surprise date nila. Kahit masakit ginawa ko pa din. Binilin niya sa akin na pagkatapos kong iset-up iyong place kung saan sila magde-date ay aalis na agad ako. Doon naman ako naabutan ng ulan at nagkasakit kinabukasan."  mahabang kwento nito sa akin.

Tama nga ako, kaya may lagnat at hindi makapagconcentrate si captain noong bago siya mainjured ay dahil kay Edward.

"Do you still love him?" iyon ang tanong ko agad sa kaniya.

Hindi naman agad ito sumagot. Alam kong may parte pa rin sa kaniya na mahal na mahal si Edward at ang pumipigil lang sa kaniya ngayon ay ang sakit na dinanas niya sa pagmamahal niya dito.

"Like what I've said, I won't judge you. I know you are smart enough to know what's good on you at kung saan ka masaya." sabi ko dito. Aalis na sana ako nang may maalala pa pala ako na hindi pa nasabi sa kaniya. "Ah.. by the way cap, palaging dumadalaw si Edward sa practice namin noong wala ka, kinakamusta ka niya palagi. I think kailangan niyong mag-usap, kailangan mo na ding sabihin sa kaniya yung nararamdaman mo. Trust me, it'll help to ease your mind and heart." iyon lang at bumalik na ako sa labas kung saan masayang nagku-kwentuhan ang mga teammates namin.

Wednesday is rest day. Nandito kami sa isang room kung saan manonood kami ng laban ng Stuartz at Traelhore. Sila pa din ang maglalaban dahil sila ang nasa rank 4 at 3 sa buong elimination round.

"Imagine, mas nahirapan tayong kalabanin ang Stuartz kaysa sa Wilhelm pero mas angat pa din ang rank nila kaysa dito." sabi ni Lia habang nakatutok sa tv screen ang tingin nito.

Volleyball Sweetheart (Sporty Princess #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon