Second elimination round games are so tough. Mabuti nalang at nakapagprepare kami ng maayos. Madaming teams ang may panggulat sa kanilang mga line ups ang iba ay halos walang pagbabago pero naging mas agresibo sila sa laban.
Today will be our fifth game in the second round and we will up against Traelhore University. Wala pang naging talo ang Traelhore nang magsimula ang second round kaya matinding paghahanda ang ginawa namin para sa laban na ito.
Dahil kami ang second game, sa locker room na kami nagstretching. Maging ang passing drills ay ginawa na namin sa labas ng locker room.
Lorraind did a geat job for the past four games. I hope ganun din siya sa amin. I want to play with her on her best. Last time, masiyadong itong nabother sa presence ko kaya hindi nito masiyadong naipakita yung galing niya at sa tingin ko ngayon ay ibang-iba na siya.
Hinanda ko naman ang sarili ko para doon. Inaral ko lahat ng mga moves ni Lorraine base sa mga previous games nila.
Nang matapos ang first game ay nagtungo na kami sa loob para mag-prepare sa aming laban.
Nakita ko agad doon sina Milly, Nathan at siyempre si Julian na palaging nagbibigay ng bulaklak sa akin pagkatapos ng game.
Kinawayan ko sila at nakita naman agad nila iyon kaya gumanti ang mga ito at kumayaw din sa akin. They all mouthed goodluck to me and I thanked them before I went to my teammates.
Kasalukuyan kaming nagpapa-practice ng receiving at digging drills ng biglang linapitan ako ni Lorraine. Ngumiti siya sa akin.
"Hi." she greeted me while smiling.
"Hi." I greeted back confused by her sudden actions.
"Ahmm..Goodluck." sabi lang nito sa akin pero parang may gusto pa siyang sabihin pero hindi na nito tinuloy.
"Goodluck."
Bumalik agad ito sa mga teammates niya pagkatapos kong mag-goodluck sa kaniya.
"Kausap mo na nanam yung bagong star player ng Traelhore ah." sabi ni Gwen sa akin matapos ang receiving at digging drills namin.
"She was my bestfriend."
"Was? Bakit hindi na ba ngayon?" tanong na naman niya. Ngumiti lang ako sa kaniya bago umalis at pumunta sa bench area.
Third Person's POV
Hindi nagtagal ay nagsimula nang ipakilala ang mga first six ng magkabilang teams. Walang namang nabago sa kani-kanilang line ups. Dahil pinili ng Traelhore ang service ay sila ang mauunang magse-serve.
Ang setter ng Traelhore ang unang magse-serve. Nasa backline naman si Lorraine. Alam agad ni Jillian kung bakit nasa backline pa ito. Magaling si Lorraine sa mga long shots at mas delikado kapag sa backrow ito umatake.
Sinabihan naman na ni Jillian ang mga kateammates na magready sa kanilang depensa dahil anytime ibibigay kay Lorraine ang bola para sa backrow attack nito.
As soon as the game started nakapagtala agad ng service ace ang Traelhore. Nabother sina Maicy at Mel sa pagreceive dahil sa gitna nila naitarget yung serve.
Sa sumunod na service ng Traelhore ay maayos na itong nareceive ni Maicy at maganda ang pagkapasa nito sa akin. Jillian acted like she was going to set it to the middle and she was right, pinag-aralan talaga siya ng husto. Dalawang blockers agad ang kumagat doon sa fake set niya pero ang totoo ay kay Lia niya iyon si-net at isang blocker lang ang natira sa kaniya kaya naman libre ang crosscourt shot nito at puntos sa team Venusville.
Si Jillian na ang magse-serve at kitang-kita niya kung paano naghanda ng husto ang Traelhore sa pagreceive ng kaniyang service.
Pinaghandaan talaga siya ng Traelhore. Napansin ni Jillian na halos nakapalikod ang mga players ng Traelhore kaya naman isang float serve ang gagawin niya. Pero hindi niya pinahalata sa mga ito, umakto siyang papaluin ng malakas ang bola ngunit tinapik niya lang ito upang saktong sa frontline lang ito bumagsak.
BINABASA MO ANG
Volleyball Sweetheart (Sporty Princess #1)
General FictionJillian Krae Villegas is one of the most recruited highschool volleyball standout. A lot were recruiting her ever since she was still in highschool. Some schools recruiting her are Wilhelm University and Stuartz University, both teams who compete fo...