"Jillian!" tawag sa akin ni Gwen. "Bakit hindi ka mapakali diyan?"
"Hindi ko alam eh. Siguro nae-excite ako kasi itong game na yung chance natin para magchampion." sabi ko pero kinakabahan pa rin ako na ewan.
Dahil nandito palang naman kami sa locker room kaya tinawagan ko agad si Julian.
"Yes babe?" sagot nito. Alam kong nakaupo na ito doon sa mga seats para sa mga audience.
"Can you come here for a minute?" I requested.
"Okay." sabi nito at saka pinatay ang tawag. Hinintay ko naman siya sa labas ng locker room namin at nang makita ko na siyang papalapit sa akin ay sinalubong ko agad siya at hinila papunta sa isang sulok kung saan walang tao.
"What is it?" nagtatakang tanong nito.
"I need a distraction." I whispered before I put my hand at the back of his head and pulled him down to meet my lips.
Agad naman nitong nahulaan kung ano ang ibig sabihin ko kaya naman hinawakan nito ang magkabilang side ng mukha ko bago palalimin ang halikan namin.
"Are you okay now?" tanong nito habang hinihingal pa matapos ang matagal at malalim naming halikan.
"I think so.." hinihingal kong sagot.
"You'll be okay." he assured me before hugging me so tight.
Hindi naman nagtagal ay bumalik na ako sa locker room at siya doon sa kaniyang seat.
"Okay team. Kaya natin to. Huling laban na natin to kaya ibibigay na natin lahat-lahat!" sigaw ng aming team manager.
"Okay! Para sa Championship! HEY!!" sigaw ni captain.
"VU!!!!" sigaw naman naming lahat.
Excited ang lahat nang lumabas kami sa locker room para pumunta na sa court. Nakakabinging hiyawan naman ang sumalubong sa amin nang makalabas kami.
Diretso ang lahat sa bench area dahil mauuna pa ang awarding para sa mga individual standout players sa season na to iba't ibang skills department.
Nakuha ng libero ng Traelhore ang Best Digger at Best Receiver. Ang middle blocker naman ng Stuartz ang nakakuha ng Best Blocker. Si Nicole ang tinanghal na Best Score habang si Lorraine ang tinanghal na Best Spiker.
Masayang-masaya ako para kay Lorraine lalo nang ngumiti ito sa akin at ipakita ang kaniyang trophy.
"The next awardee averages 10 aces per match, 3 aces per set... The Best Server this is season is from Venusville University! #1 Jillian Krae Villegas!"
Agad naman akong nagtungo sa gitna para kunin ang aking trophy.
Another 'Best Server' award Mom.
Sumunod namang tinawag ang Best Setter, at hindi pa ako nakakabalik sa pwesto ko ay tinawag na naman ang pangalan ko kaya bumalik ulit ako sa gitna para kunin na naman ang aking trophy.
Nagpasalamat akong muli sa kanila bago bumalik sa upuan ko. Huling award na ang babanggitin at ito ay ang season's MVP.
"This season's MVP played a magnificent role in her team. She averages 1.5 blocks per set, 4.2 digs per set, 3 aces per set, and averages 14 points per match. It's no other than, the Queen of Deception, Service Aces and an all around player, no other than #1 from Venusville University, Jillian Krae Villegas!!"
Namilog agad ang mga mata ko sa aking narinig. I didn't expect to be awarded as MVP of this season. Hindi pa kasi nangyayari sa buong SAU Volleyball League na magkaroon ng isang season's MVP na nasa setter position.
BINABASA MO ANG
Volleyball Sweetheart (Sporty Princess #1)
Художественная прозаJillian Krae Villegas is one of the most recruited highschool volleyball standout. A lot were recruiting her ever since she was still in highschool. Some schools recruiting her are Wilhelm University and Stuartz University, both teams who compete fo...