Chapter 14.1

55.4K 1.1K 149
                                    

Today is the day.

Venusville University Women's Volleyball Team vs
Traelhore University Women's Volleyball Team.

Papunta na kami ngayon sa Arena. Two hours bago magsimula ang aming laban. Habang papalapit kami sa Arena ay mas lalo akong kinakabahan. Sinabi naman sa amin ni Captain Mel na natural lang 'to dahil rookies palang kami.

Huminga muna ako ng malalim bago bumaba sa aming bus at pumasok sa loob ng Arena patungo doon sa locker room na naka-assign sa amin.

Dahil kami ang first game, nauna na kaming pumunta sa may venue kung saan makikita yung court para doon na magwarm up. Wala pang tao at maging ang Traelhore Team ay wala pa. Nakapatay din ang mga ilaw doon sa mga seats kung saan pupwesto ang mga manonood mamaya.

Kasalukuyan kaming nag-stretching nang pumasok na din ang Traelhore Team. Kulay sky blue ang uniform nila kaya nakilala agad namin sila. Nasabi na sa amin ni Coach na floor defense ang specialty ng Traelhore last year. Halos hirap makapatay ng bola sa kanila sa tindi ng defense nila. Maging ang Wilhelm Team ay hirap silang talunin at umabot pa ang kanilang laban sa fifth set.

Babalik na sana ako sa pagstretching ng may mapansin akong sobrang familiar na mukha na nakasuot ng skyblue uniform.

Hindi ako pwedeng magkamali. Si Lorraine nga 'yun!

Napatayo ako ng 'di oras at hindi ko alam kung maiiyak ba ako, kung pupuntahan ko ba siya o ano. Ngayon ko lang ulit siya nakita after almost four years.

Mas lalo itong tumangkad at parang mas matangkad na ata siya kaysa sa akin. Magkasingtangkad lang kami noon at halos hindi na kami mapaghiwalay noon. Kapag naglalaro naman kami ng volleyball, laging sinasabi ng mga makakalaban namin na kami ang "Best Duo".

Our tandem was so popular before. Kahit ang mga opponents namin, palaging sinasabi na sobrang deadly daw kaming dalawa. Kuhang-kuha ko kasi ang mga gustong sets ni Lorraine at halos puntos lahat ng binibigay kong sets sa kaniya.

Pero noong second year highschool kami, nagbago ang lahat ng may magscout at nagoffer sa akin from one of SAU Universities. Wala ni isang nag-offer kay Lorraine at doon nagbago ang lahat. Naging mainitin ang ulo ni Lorraine at halos hindi na ako kausapin, iniiwasan niya ako.

Nagulat nalang ako, noong magse-second year highschool na kami ay lumipad na pala ito kasama ang family niya sa Canada para doon na tumira. Wala siyang sinabi sa akin at ni hindi man lang siya nagpaalam.

Kaya ngayon, iba't ibang emosyon ang nararamdaman ko nang makita ko siya ulit.

Mukhang hindi naman niya ako napansin kaya naman bumalik ako sa pwesto ko para ipagpatuloy ko ang pagstretching na naudlot kanina.

Lumiwanag na din sa may mga seats at isa-isa ng pumapasok ang mga taong manonood ng aming match ngayon.

Tapos na kami sa stretching kaya naman nagready na kami para sa warm-up namin. Serving, Receiving, Blocking at Spiking drills ang gagawin namin as a part of our warm up.

Pumunta ako sa aming bench area para alisin ang varsity jacket na suot ko nang mapansin kong nandun na pala nakaupo sina Julian na kasama sina Milly, Nathan at kuya Dave malapit lang sa aming bench area.

Agad akong lumapit sa kanila at ganun din si Julian at Milly sa akin. Naiwan naman doon sina Nathan at kuya Dave sa kinauupuan nila.

"Ang aga niyo ha." nakangiting sabi ko sa kanila.

"Syempre naman, hindi pwedeng ma-missed ang first game ng friendship ko." sagot ni Milly.

"Di ikaw tinatanong ko." sabi ko sabay baling kay Julian na amuse pang nakatitig sa akin.

Volleyball Sweetheart (Sporty Princess #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon