HIS Point of View
"Dude ang ganda nung no.11 sa Venusville University oh!" turo ng classmate ko sa isa sa mga volleyball player ng VU.
"Sayang dude hindi siya first six, mahina pala." wika nitong muli matapos maipakilala ang mga first six sa kanilang team.
Wala naman akong balak na manood sa kahit anong sports pero makulit ang mga kaklase ko dahil madami daw magaganda at magagaling na players sa larangan ng volleyball.
Mas gugustuhin ko pa sanang mag-aral dahil lagot ako nalang sa library dahil lagot ako kay daddy kapag may bagsak ako pero sinabi nila na kapag hindi daw ako pupunta ay tatawagin akong bakla ng mga ito.
Wala rin naman akong pake kahit tawagin pa nila akong ganun pero naisip ko ay baka makaistorbo pa iyon sa pag-aaral ko kaya sumama nalang ako.
Pero ngayon, hindi ang laro ang pinapanood ko, kundi yung babae tinawag ni Tyronne na maganda kanina at isa sa mga bench players na masayang nagchi-cheer sa mga teammates nito na naglalaro sa loob ng court.
"Hoy bakit nakangiti ka diyan, sinong tinitignan mo?" kalabit sa akin ni Tyronne.
"Wala huwag mo na akong pansinin at manood ka nalang diyan."
Dahil dun ay hindi na ako nito ginulo kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataon na ilabas ang phone ko at picturan ang babaeng iyon.
Parang huminto ang tibok ng puso ko nang bigla itong lumingon sa gawi ko at sakto nun ang pagclick sa camera ng phone ko.
Mabilis kong iniiwas ang tingin sabay tago sa phone ko dahil sa sobrang hiya.
Sinubukan kong ibaling ang atensyon sa larong nagaganap at biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang ipasok si no.11 at parang nag-slow motion ang lahat dahil sa kagandahan nito. Wala akong masabi, para siyang dyosa.
"Guys, inlove na ata itong si Kraeven! Natulala sa ganda ni no.11!" sigaw ni Tyronne sa iba pa naming mga kaklase at kanya-kanyang tukso na ang mga ito sa akin habang pinagmamasdan ko pa rin si no.11 na nasa service line at naghahanda sa pagserve.
Kita ang kaba sa mukha nito pero kahit ganun ay hindi iyon naging hadlang sa taglay niyang kagandahan.
Tumingin ako sa malaking screen na nasa kabilang side at clinose-up ang mukha nito.
Hindi lang ako, maging ang ibang mga nanonood dito ay napahanga sa kanya.Mas lalo naman pa akong nanghina nang ngumiti ito dahil sa paghiyaw ng mga manonood.
Damn she's a Goddess.
"Now serving Mira Gizelle Castro." anunsyo ng announcer sa pangalan nito.
So that's her name... agad ko iyon minemorya sa isip ko at saka isinulat pa sa phone ko para hindi ko makalimutan.
Naghanda na ito sa pagserve. Hindi ko alam kung anong tawag sa serve na ginawa niya pero napakagaling niyon dahil bigla na lang iyon bumagsak kaya hindi agad nareceive ng kalaban.
"Wow." manghang wika ko.
Muli itong nagserve at mas mabilis ang serve na ginawa nito kumpara nung una at hindi iyon inaasahan ng kalaban kaya wala na naman nakareceive!
"Woah, did I just called her weak earlier." saad ni Tyronne. Bigla akong kinabahan at baka magkagusto si Tyronne sa kanya.
"Back off dude I'll court her." huli na para pagsisihan ko ang ginawa ko dahil rinig ng lahat ang sinabi ko kaya kanya-kanyang tukso na naman sila sa akin.
Nasa pangalawang set palang ng laban kaya tinignan ko ang oras sa aking suot na relo.
May oras pa para makabili ako kaya agad akong nagpaalam sa mga kasama ko na nay pupuntahan lang sandali.
![](https://img.wattpad.com/cover/222012986-288-k638043.jpg)
BINABASA MO ANG
Volleyball Sweetheart (Sporty Princess #1)
Ficción GeneralJillian Krae Villegas is one of the most recruited highschool volleyball standout. A lot were recruiting her ever since she was still in highschool. Some schools recruiting her are Wilhelm University and Stuartz University, both teams who compete fo...