enjoy reading!! <3
"May gawa ka ng plate kay sir Oka?" tanong sakin ni Andrea habang nagsusulat sya ng mga lectures namin sa major.
"Oo meron na, ipapasa ko na nga mamaya ih" sagot ko sa kanya at nilabas ang gawa kong plate.
Napatigil sya sa pagsusulat at hinarap ako.
"Wow naman! Sana all may gawa na agad! Ang aga mo lagi talagang mag pasa no? Isang linngo naman deadline natin dyan pero tinapos mo lang ng isang araw? Ibang klase ka talaga no? Hahaha!" manghang sabi nya sakin habang tinitignan ang gawa ko habang ako naman ay kinuha ang phone ko at tinext si tatay.
To: Tay Kristofer
Tay pupunta po ko dyan sa Las Casas bukas ng umaga hanggang Linngo po. Gusto ko na po kayo makita.
"Rea wala ako sa bahay bukas at Linggo ah?" pagpapaalam ko sa kanya at nangunot naman ang noo nya sa sinabi ko.
"Huh? Bakit? Akala ko ba gala natin yun nila Sunny, Yas at Nika?" kunot noong tanong nya sakin.
"Pass muna ako. Pupuntahan ko si tatay sa Las Casas" sabi ko sa kanya at nag sulat na rin ng mga lectures. Tumango tango naman sya at nag cellphone, sasabihan ata sila Sunny.
"Magkano na ba naipon mo? Mahal pa naman dun, sabi ng kakilala ko nasa three thousand daw ang entrance tapos kung dun ka matutulog seven thousand isang gabi tapos mahal daw ang mga pagkain dun. Dapat may pocket money ka pa na five thousand"
Ganon ba talaga kamahal sa Las Casas? Eleven thousand pa lang ang naiipon ko simula SHS ako nagsimula na ko mag ipon hanggang ngayong 2nd Year College na ko. Ano ba yan mangungutang pa yata ako pangdadagdag.
"Ahm Andrea.. Baka pwedeng makahiram ng Four Thousand, Eleven pa lang kasi ang naiipon ko simula SHS ehh. Hindi ko naman alam na mahal pala talaga sa Las Casas. Please? Bayaran ko din sayo kapag nakuha ko na yung allowance ko sa Bat Lib" mahabang pag eexplain ko sa kanya at nilahad ang kamay ko sa harap nya
"Talagang sakin ka nanghiram ah? Kung pupunta ka kasi sa tatay mo dapat handa ka hindi yung manghihiram ka pa. Tingin mo gusto ni tito na manghiram ka ng pera sa iba? Oh eto limang libo na yan ah, ingat ka bukas" nagpipigil tawang sabi sakin ni Rea at binigay sakin ang limang libo
"Andrea.." banggit ko sa pangalan nya habang ang mata ko ay parang maiiyak na sa tuwa.. Andami nyang sinabi papahiramin din naman pala ako huhu..
"HAHAHAHA!! Nakakatawa reaction ng mukha mo Zelle! Pakining shit ang epic! HAHAHA" malakas na tawa nya kaya naman yung iba naming kaklase ay napatingin samin. Ang ingay ng babaeng tong tumawa! Buti wala yung prof namin ngayon! >__<
"Pakining shit ka din kasi! Papahiramin mo naman pala ako andami mo pang sinabi! Kaasar ka ahh!" naka ngusong sabi ko sa kanya at tinabi na ang perang pinahiram nya sakin.
BINABASA MO ANG
Meeting You Accidentally (Protective Series #1)
RandomProtective Series #1 "Hindi ko alam kung anong nagawa kong mali para masaktan ako ng ganito" - Kryzelle Gueverra "I choose to leave you, just to protect you" - Damiel Acuzar "Hindi ko alam na mamahalin kita ng ganito, yung tipong hindi mo pa hinihil...