Enjoy Reading!!!
"Engr. Gueverra may kulang po tayo na gamit" sabi sakin ng tauhan ko. Nasa Las Casas ako ngayon para icheck ang bahay na irerenovate namin
"Anong kulang?" tanong ko
"Floor Cement po ma'am" sagot ng tauhan. Tumango ako at inaya sya sa kotse ko para doon ibigay ang pera pambili ng kulang.
Bumalik na ulit ako sa pwesto ko kanina at tinignan ang mga tauhan ko. Habang pinagmamasdan ko sila ay may tumabi sakin.
"Milktea?" alok sakin ni Damiel. Napatingin ako sa kanya at inirapan sya. Psh.
"Kaya kong mamili ng milktea, tss hindi mo na ko kailangang alukin" pagtataray ko sa kanya. Aish! Gustong gusto ko ng milktea na hawak nya!
"Wala naman akong sinabi na hindi mo kayang mamili nito. Inaalok lang kita kung gusto mo. Kung ayaw mo, fine itapon ko na lang" sabi nya sakin at itatapon nya sana ang milktea ng mabilis kong kunin yon sa kanya.
"Hindi porket mayaman ka ay pwede ka ng magsayang" sabi ko sa kanya at ininom ang milktea. Shet ang sarap talaga!
"Whatever. By the way nagkulang daw kayo sa gamit? Naayos na ba?" tanong nya sakin. Tumango ako at pinagmasdan ulit ang mga tauhan ko habang umiinom pa din ng milktea
"Kumain ka na ba?" tanong nya ulit. Nilingon ko sya
"Wala kang pake" sagot ko at inirapan sya
"Oh chill! Tinatanong ko lang naman. Masyado kang high blood" sabi nya at iminom ng milktea nya.
"Bakit ka ba nandito? Wala ka bang ibang gagawin?" masungit pa din na tanong ko.
"Kung nasan ang engineer nandoon din ang architect" naka ngiting sagot nya sakin. Napairap ulit ako. Bwisit na yan simula ata ng bumalik sya palagi na kong naka irap.
"Hindi sa lahat ng oras dapat magkasama ang Engineer at Architect" sabi ko sa kanya at mabilis na inubos ang milktea. Ang sarap eh!
"Well wala kang magagawa Engr. Gueverra dahil bukod sa ako ang Architect sa project na to, ako din ang anak ng may ari nito. Kaya naman magkikita at magkikita tayo sa ayaw mo o sa gusto" confident na sabi nya. Wala na kong sinabi dahil baka saan pa umabot ang usapan namin. Mahirap na, gag* pa naman ang kausap ko.
"Mag lunch na ho muna kayo" sabi ko sa mga tauhan ko. Agad naman silang tumigil sa mga ginagawa nila at lumapit sa lamesa kung saan nandon ang mga pagkaing inorder ko dito sa Las Casas.
"Nako Engineer nag abala pa po kayo" sabi sakin ng isa kong tauhan na medyo may edad na. Si tatang Albert. Ngumiti ako sa kanya
BINABASA MO ANG
Meeting You Accidentally (Protective Series #1)
RandomProtective Series #1 "Hindi ko alam kung anong nagawa kong mali para masaktan ako ng ganito" - Kryzelle Gueverra "I choose to leave you, just to protect you" - Damiel Acuzar "Hindi ko alam na mamahalin kita ng ganito, yung tipong hindi mo pa hinihil...