CHAPTER 27

53 13 0
                                    


        Enjoy Reading!!!





Pagkarating namin sa Hospital ay agad kong nakita si Sunny kaya mabilis akong bumaba sa sasakyan ni Damiel at mabilis na lumapit kay Sunny..


"Anong nangyari kay tatay?" nag aalalang tanong ko kay Sunny.. Kitang kita ko ang pag iling ni Sunny at ang malungkot nyang expression..


"Sagutin mo ko Sunny! Anong nangyari kay tatay?! Asan sya?!" may bahid ng galit na tanong ko sa kanya.. Pakining shit!!


"I-im sorry Z-zelle" piyok na sabi sakin ni Sunny at bigla na lang umiyak..


Napalayo ako sa kanya at tulalang tinignan sya.. 


"S-sorry s-saan?" utal na tanong ko habang pinipigilan ang pagbuhos ng mga luha ko..


"G-ginawa ng mga k-kasama kong d-doctor ang lahat p-pero malala na ang s-sakit sa puso ni tito.." umiiyak na sagot nya sakin..


Para akong nabingi sa sinabi ni Sunny.. S-sakit sa puso?? M-may sakit si tatay??


Ang kaninang pinipigalang luha ko ay nag uunahan sa pagtulo.. Nanghina ang mga tuhod ko at mapapaupo sana ako sa lapag ng may sumalo sakin..


Umiiyak na tinignan ko si Damiel.. P-pagkatapos ng sandaling kaligayahan ay may kapalit agad na lungkot at sakit?


"S-si tatay.." umiiyak na sabi ko sa kanya.. Inalalayan nya ako sa pagtayo at sya na ang kumausap kay Sunny..


S-si tatay ko... A-ang tatay ko.. *sob*


"N-nasa m-morgue si t-tito" rinig kong sabi ni Sunny kay Damiel.. 


Kahit nanghihina ay pinilit kong mag lakad.. Habang naglalakad ay naalala ko lahat ng mga masasayang araw na magkasama kami ni tatay at ang lahat ng pangangaral nya sakin..


'Noon nagalit ako anak, pero hindi nagtagal ay nawala din naman. Pinatawad ko sila ng hindi nila alam at masaya ako sa ginawa kong yon anak dahil wala ng galit sa puso ko.' 


'Masayang mabuhay na wala kang tanim ng sama ng loob sa kapwa mo anak.. Lalo na kung mahal mo ang tao'


'Mahirap lumaban anak pero kung kasama mo ang mga taong nagmamahal sayo, kahit ilang beses kang matumba, okay lang.. dahil may mga kasama kang poprotekta sayo..'


'Ang pinaka magandang kamatayan ay yung mamatay ka ng walang galit kahit kanino.. Mamatay ng payapa ang puso at isip'


Nanginginig kong binuksan ang pinto ng morgue.. Nanghihina ako.. 


Meeting You Accidentally (Protective Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon