CHAPTER 23

46 12 0
                                    


               Enjoy Reading!!!




[ So anong nangyari habang wala ako kagabi sa hospital? ]


Napairap ako sa tanong ni Rea sakin through phone.. Tsismosa talaga!


"Wala nga ang kulit! Sinabi ko ng wala diba" sabi ko sa kanya at binalik ang tingin sa mga tauhan ko..


[ Anong wala? Wala ba yung pagbalik na pagbalik ko ay umalis ka agad? Walang man lang sabi muna ng gandang Rea? Wala-in ko kaya mukha mo no? ]


Hindi ko na sya sinagot at binabaan na lang sya.. Ang ingay! Umagang umaga sya agad tatawag sakin para maki tsismis!


Tinignan ko ang mga tauhan ko na ngayon ay maingat na gumagawa.. Natakot siguro sa nangyari kay Emman.. Hays sabagay kahit ako din naman natatakot na baka may pumangalawa..


"Ang lalim ng iniisip natin ah?" 


Napatingin ako sa gilid ko kung saan nanggaling ang boses.. Nginitian ko sya at nag iwas ng tingin.. 


"Ang aga mo yata?" tanong ko sa kanya.. Umupo sya sa tabi ko at may inabot na pagkain sakin


"Kumain ka muna, baka hindi ka pa nag aalmusal" sabi nya at sumandal sa inuupuan nya


"Salamat" sabi ko at binuksan ang dala nya.. Ngumiti sya at tinignan ang mga dumadaan na tao..


"I talked to mom last night about the accident yesterday" biglang sabi nya..


Napatingin ako sa kanya na may kasamang guilt.. Kasalanan ko..


"A-anong sabi ni t-tita?" utal na tanong ko habang nakatingin sa kanya.. Tinignan nya din ako at hinaplos ang buhok ko..


"At first she's disappointed at you but when I told her that it's not your fault and explained more further to her and that's it. She's not disappointed at you anymore" sabi nya.. Nakatitig lang ako sa kanya at hindi makapaniwala


"I don't believe you.. Ganon lang tapos ayos na?" tanong ko sa kanya.. He shrugged


"Well syempre madami akong sinabi and may konti lang iniutos sakin si mama kapalit nung accident but don't worry hindi naman malaki yon" sagot nya at inakbayan ako.. 


Hindi ko alam kung anong pinag usapan nila pero nagpapasalamat ako kay Damiel na sya mismo ang umayos sa nangyaring aksidente..


"Thankyou" mahinang sabi ko.. Naramdaman kong nakatingin sya sakin kaya tinignan ko din sya.. 


"Hindi mo kailangang mag thank you honey.. Sagot kita" nakangiting sabi nya sakin.. Tumango ako at binaling ulit ang tingin sa mga tauhan ko

Meeting You Accidentally (Protective Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon