Enjoy Reading!!
"540 po ma'am" sabi sakin ng cashier at agad naman akong nagbayad at kinuha na ang mga pinamili ko.
Tumingin ako sa relo ko at nakita ko na mag 9am na pala kaya naman agad akong lumabas sa convenience store at sumakay ng tricycle papuntang terminal.
"Las Casas! Las Casas!" sigaw ng dispatcher kaya naman tumakbo ako agad para makasakay na.
"Miss 70 pesos po pamasahe" sabi sakin ng driver pagkasakay ko palang sa jeep. Grabe di pa nga ako nakaka upo eh.
Umupo muna ako at inayos ang gamit ko na nasa harap ko bago naglabas ng pera pambayad kay kuya.
Ilang minuto lang kaming naghintay at umandar na din ang jeep kaya naman nilabas ko ang phone ko at tinext si tatay na nasa byahe na ko.
To: Tatay Kristofer
Tay byahe na po ako, ilang oras po ba ang byahe neto?
Pagkasend ko ng text kay tatay ay tumingin ako sa gilid ko para lumanghap ng sariwang hangin. Haay, ang sarap talaga sa probinsya. Napatingin ulit ako sa phone ko ng maramdaman kong nag vibrate ito.
From: Tatay Kristofer
Lagpas kalahating minuto nak, umidlip ka muna dyan para may energy ka mamaya dito nak.
Napangiti ako sa text ni tatay at gaya nga ng utos nya sakin ay umidlip ako sa byahe..
Nagising ako ng may tumapik sa balikat ko kaya naman agad akong nagising at napatingin sa katabi ko. Waaah! Nakatulog ba ko sa balikat nya? Nakakahiyaaa naman! >__<
"Sorry po kuya!" paghingi ko ng tawad at mabilis na bumaba sa jeep. Hinaplos ko pa ang gilid ng labi ko dahil baka may tumulo ang laway ko habang natutulog >_< Wooooh! Buti na lang wala!
Napatingin ako sa harap ko at napanganga. Pakining shit? Eto na ba yung Las Casas? Ang ganda naman kesa sa picture!
Sa sobrang mangha ko ay kinuha ko agad ang phone ko at kinuhanan ng litro ang entrance ng Las Casas. Agad ko naman tong ni myday, syempre para makita ng mga kaibigan ko hihi.
"Miss nahulog mo"
Napatingin ako sa gilid ko dahil may nagsalita at hala! Si kuyang nasa jeep pala!
"Ay salamat po kuya" magalang na sabi ko at kinuha ang panyo sa kaniya. Kelan ko to nahulog?
"Vincent nga pala" pagpapakilala nya sakin at nilahad ang kamay nya para makipag shake hand. Ngumiti naman ako sa kanya.
"Kryzelle po kuya" pagpapakilala ko din at tinanggap naman ang kamay nya at nagshake hand na kami. New friend! mwehehe
BINABASA MO ANG
Meeting You Accidentally (Protective Series #1)
RandomProtective Series #1 "Hindi ko alam kung anong nagawa kong mali para masaktan ako ng ganito" - Kryzelle Gueverra "I choose to leave you, just to protect you" - Damiel Acuzar "Hindi ko alam na mamahalin kita ng ganito, yung tipong hindi mo pa hinihil...