Enjoy Reading!!
"Hoy ang ganda dito!" sabi ni Sunny at nanguha ng mga litrato, ganon din ang ginawa ng tatlo.
Nasa Las Casas kami ngayon dahil inaya ni Damiel ang mga kaibigan ko at ang mga loka hindi nahiya at pumayag sila. Kasama din namin sila Vincent, Eljohn at Frankie.
Isang linggo na din ang lumipas ng umamin ako kay Damiel na gusto ko sya. Ang bilis ng araw, parang kailan lang sinabi ko na gusto ko sya tapos ngayon parang gusto ko ng sabihin sa kanya na mahal ko sya..
"Ang yaman pala talaga nila Acuzar no? Tignan mo kung gaano kalaki tong Las Casas!" sabi sakin ni Rea habang sinisiko ako. Alam ko -,-
Napatingin ako sa gilid ko, nakita kong kausap ni Yas si Vincent at nagtatawanan sila. Oh? Close agad sila?
"Kumain muna tayo sa Casa Unisan" sabi ni Damiel samin at agad silang sumang ayon.
Lumapit sakin ni Damiel at hinawakan ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya.
"Kanina ka pa wala sa mood. Anong problema?" tanong nya sakin. Sinimangutan ko sya.
"Hindi ba kayo malulugi nyan? Lima kaming walang bayad dito?" tanong ko sa kanya at mahina syang tumawa. Psh.
"Kahit isang taon kayo tumira dito hindi kami malulugi" mayabang na sabi nya. Inirapan ko sya
"Ngumiti ka na, mukha kang may dalaw ngayon" sabi nya at tumawa. Aba't!
"San yung Casa Unisan?" tanong ko sa kanya at tinuro nya ang isang bahay na maganda ang design.
"Pangalawa sa pinaka sikat na restaurant dito samin" sabi nya at pumasok na kami kasama ng mga kaibigan ko at kaibigan nya.
"Pagkayari natin kumain mag beach tayo!" aya ni Nika at sumang ayon naman kami. Ayos may kasama na kong mag pictures.
Masaya kaming kumain, paminsan minsan ay nag aasaran. Ang bilis din nilang naka close ang kaibigan ni Damiel. Sabagay mababait naman kasi sila eh.
"Ano nga mga pala mga course nyo?" tanong ni Eljohn sa mga kaibigan ko. Unang sumagot si Sunny.
"Pre-Med" sagot ni Sunny at manghang tumango ang tatlo.
"Civil Engineering, katulad ng kay Zelle" sagot naman ni Rea
"Pagawa kami bahay sa inyo ah! Hahaha" biro ni Frankie at tumango naman si Rea
"BSBA Major in Management" sagot ni Nika. Mayaman yan may mamanahin eh hahaha
BINABASA MO ANG
Meeting You Accidentally (Protective Series #1)
RandomProtective Series #1 "Hindi ko alam kung anong nagawa kong mali para masaktan ako ng ganito" - Kryzelle Gueverra "I choose to leave you, just to protect you" - Damiel Acuzar "Hindi ko alam na mamahalin kita ng ganito, yung tipong hindi mo pa hinihil...