CHAPTER 18

50 13 0
                                    


           Enjoy Reading!!!




"Good job everyone!" wika ko sa mga tauhan ko.


Mabilis naming natapos ang tatlong ni renovate namin. Well bilib ako sa mga tauhan ko ha, bukod sa mabilis sila eh talagang matibay din ito. Hindi ko sila pinagtitipid sa gamit eh.


"Bukas start na tayo sa isang beach house. Magpahinga na muna kayo ng maaga" nakangiting sabi ko sa kanya.


"Pwede din muna kayong lumibot dito sa Las Casas kung gusto nyo" malakas na sa ni Damiel.


Yep. Its Damiel. Sa buong pag rerenovate ng mga tauhan ko dito ay palagi din syang nandito sabi ni Emman. Oh edi sya na hindi busy. Thrice a week lang ako pumupunta dito para icheck sila.


"Yes! Thankyou Architect Acuzar!" masayang sabi ng kaibigan ni Emman. That's Aj


Masaya ding nag usap ang mga tauhan ko. Nagpaplano kung saan at kung anong gagawin nila dito. Napangiti ako dahil kahit pagod sila ay masaya pa den.


Lumapit sakin si Emman. Dalawang taon ko na din syang tauhan. Noong nag uumpisa pa lang ako sa trabaho ko ay sya agad ang lumapit sakin para mah apply as worker ko kaya malapit na din ako sa kaya.


"Tour nyo naman kami ni Aj, Engineer!" naka ngiting sabi nya sakin. Nginitian ko din sya at tumango.


"Doon tayo sa beach muna, gusto nyo?" aya ko sa kanilang dalawa. Tumango naman sila at ngumiti.


Paalis na sana kami ng hawakan ni Damiel ang braso ko. Problema nito?


"Bakit?" mataray na tanong ko.


"May sasabihin sana ako sayo tungkol sa project" seryosong sabi nya. Napatingin ako kila Emman at mukhang narinig nila ang sinabi ni Damiel


"Next time nyo na lang kami i tour dito Engineer! Usap muna kayo ni Architect" sabi sakin ni Emman at sumang ayon naman si Aj.


Nahihiya akong tumango sa kanila at pormal na nagpaalam.


"Pasensya na ha? Sa susunod kona lang kayo ilibot. Mauna na kami" sabi ko at mabilis na hinatak si Damiel.


Nakakahalata na ko ha! Sa tuwing mag uusap o may pupuntahan kami ni Emman lagi syang sumisingit!


"So anong sasabihin mo sakin" masungit na tanong ko. Tinignan nya ko ng seryoso at nilabas ang dala nyang blue print.


"Gusto ko kasing ibahin ang isang design para sa beach house. Tignan mo kung ayos lang" seryosong sabi nya.


Tinignan ko ang gawa nya. Kumunot ang noo ko ng may mapansin ako.


"Bakit may gym? Hindi ba ang Las Casas ay pang sinauna? Kaya bakit naglagay ka ng gym?" tanong ko sa kanya at tinuro ang nakita ko.

Meeting You Accidentally (Protective Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon