CHAPTER 8

59 14 0
                                    


      Enjoy Reading!!



"Aantayin kita dito, magpalit ka na ng damit mo" utos sakin ni Damiel. 

Nasa tapat na kami ng bahay ko ngayon at pinagpapalit nya ako ng damit kasi nga naka uniform pa ko. Psh.


"Pumasok ka muna sa bahay" aya ko sa kanya pero umiling sya.


"Nah, ayos na ko dito" sabi nya. Napakunot naman ako ng noo.


"Bakit ayaw mong pumasok sa loob?" tanong ko sa kanya. 


"Hindi magandang tignan sa lalaki na papasok sa bahay ng babae lalo na kapag wala ang magulang" sagot nya. Anong connect?


"Psh. Dami mong sinabi, sige antayin mo na lang ako dito" sabi ko sa kanya at pumasok na sa bahay para makapagpalit ng damit.


Hindi na ko nagtagal sa pamimili ng damit. Simpleng violet dress lang ang sinuot ko at naka sandals ako. Agad naman akong lumabas ng bahay.


"Ayos na ba tong suot ko?" tanong ko kay Damiel ng makalapit ako sa kanya.


Tinignan nya ko mula ulo hanggang paa at nginitian. Bakit may pangiti?! >_<


"May kamukha ka dyan sa suot mo ngayon" sabi nya 


"Sino naman?" tanong ko sa kanya.. Umiwas sya ng tingin


"Future wife ko" sagot nya at iniwan akong nakatulala.


A-ano daw?


Buong byahe namin ay hindi ko sya kinausap. Kahit nagtatanong sya ay dinededma ko lang. Hindi pa din mag sink in sakin yung sinabi nya. 


Alam kong common na yong sinabi nya, pero kakaiba pala sa pakiramdam kapag sa kanya ko narinig. Sh*t yung puso ko.


Hindi ko kung gaano ako katagal nakatulala sa daan pero ng huminto ang sasakyan nya ay napatingin ako sa kanya.


"May nagawa ba akong mali?" tanong nya sakin. Napalunok ako at napa iwas ng tingin


"Wala" sagot ko sa kanya habang kinakalikot ang kuko ko. 


"Then look at me!" medyo inis na sabi nya kaya naman napatingin ulit ako sa kanya. Imposible namang magkagusto ako sa kanya! Tatlong araw ko pa lang sya nakikilala pakining shit amp!


"What did I do wrong?" tanong nya. Umiling ako at nag iwas ulit ng tingin.


"Tell me please.. Hindi tayo pwedeng humarap sa parents ko ng hindi tayo maayos" sabi nya sakin.. Hays.. Huminga ako ng malalim, humarap ako sa kanya at ngumiti.

Meeting You Accidentally (Protective Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon