Enjoy Reading!!!
"He's fine sabi ng Doctor kanina. Weeks or month daw ang aabutin bago sya magising" sabi sakin ni Rea ng makita namin sya sa entrance ng hospital..
"Nasan sya?" tanong ko kay Rea at sinabayan sya sa paglalakad samantalang nasa likod namin si Damiel
"Nanguha na ako ng kwarto para sa kanya.. Room 136" sabi nya.. Sumakay kami sa elevator at pinindot ang 2nd floor..
Ng makarating kami sa kwarto kung nasan si Emman ay agad na umupo si Rea sa tabi ni Emman samantalang kami naman ni Damiel ay umupo sa sofa..
"Kumain na ba kayo?" tanong samin ni Damiel.. Umiling ako ganon din si Rea..
"Anong gusto nyong kainin?" tanong nya ulit samin..
"Kahit ano.. Hindi naman ako mapili" sagot ko sa kanya.. Tumango sya at tinignan si Rea
"Ikaw Rea??" tanong nya.. Umiling si Rea at ngumiti samin ni Damiel
"Wag na.. Hindi naman ako gutom" sagot nya..Umirap ako at naglabas ng pera.. Inabot ko yon kay Damiel at nagtaka sa ginawa ko..
"Fried chicken with rice ang bilhin mo pala. Dalawa, tig isa kami ni Rea at water na din.. Thank you" sabi ko kay Damiel habang naka tingin ng masama kay Rea..
Balak pa yatang magpa gutom!
"Keep your money.. It's my treat" sabi sakin ni Damiel kaya napatingin ako sa kanya..
Hindi nya tinanggap ang pera ko at mabilis na lumabas ng kwarto.. Ilang segundo akong natulala sa pinto..
"Ehem" tikhim ni Rea kaya agad akong napatingin sa kanya
"Matunaw yung pinto" nakangising sabi nya sakin.. Inirapan ko sya at lumapit sa kanya..
"Ayos ka na ba?" tanong ko sa kanya.. Nawala ang ngisi sa labi nya at sumeryoso ito..
"Maayos naman na.. Nabigla lang siguro ako ng malaman ko" sagot nya sakin..
"Pano nyo nga pala nalaman ni Damiel na naaksidente si Emman?" tanong ko sa kanya..
"Nagpunta ako sa Las Casas kanina at pagdating ko don ay usap usapan na may naaksidente sa ginagawang beach house.. Kaya nagmadali akong pumunta doon at sakto naabutan ko si Damiel don na kausap si Aj" sagot sakin ni Rea.. Tumango ako at niyakap sya..
"Thank you sa mabilis na pag punta nyo dito" sabi ko sa kanya.. Naramdaman ko ang pag iling nya..
"You don't need to thank me Zelle.." mahinang sabi nya sakin..
BINABASA MO ANG
Meeting You Accidentally (Protective Series #1)
RandomProtective Series #1 "Hindi ko alam kung anong nagawa kong mali para masaktan ako ng ganito" - Kryzelle Gueverra "I choose to leave you, just to protect you" - Damiel Acuzar "Hindi ko alam na mamahalin kita ng ganito, yung tipong hindi mo pa hinihil...