Enjoy Reading!!
Maaga akong gumising para makapaglibot na dito Las Casas at bago ko kitain si Damiel. Asar na lalaking yon, ang agang nagtext sakin kanina.
"Ma'am gusto nyo po ng tour?" tanong sakin ni kuyang kutsero
"Ahm may bayad po kuya?" tanong ko sa kanya at tumango naman sya
"Opo ma'am, one hundred lang po" sagot nya sakin at ngumiti ako.
"Sige po kuya, tara po" sabi ko at inalalayan naman ako ni kuya sa pagsakay sa kalesa nya.
Habang niliibot ako ni kuya ay nangunguha ako ng ilang mga litrato at tsaka kukwentuhan ako ng mga bagay bagay tungkol sa Las Casas.
"Ilang taon na po kayong nagtatrabaho dito kuya?" tanong ko sa kanya
"Nako iha mag sasmpung taon na ko dito at masasabi kong hindi nakakasawang magtrabaho dito" masayang sabi nya sakin kaya napangiti ako. Mas matagal pa pala syang nagtrabaho dito kesa kay tatay.
"May kilala po ba kayong Kristofer Gueverra?" tanong ko ulit.
"Ah si Tope ba kamo? Nako magaling magtrabaho ang isang yon!" sagot nya sakin.. "Bakit? Kilala mo ba sya ma'am?"
Tumango ako at ngumiti.. "Tatay ko po sya" sagot ko.
"Talaga? Haay may anak na pala si Tope hindi man lang sinabi samin! Hahaha kaya pala pursigidong magtrabaho araw araw!"
Hindi na ko sumagot at ngumiti na lang.. Dalawang oras din akong nilibot at kinwentuhan ni kuya tungkol sa history ng Las Casas at ng kung ano ano pa.
"Salamat po kuya" sabi ko sa kanya at inabot ang bayad. Inilingan nya ko.
"Huwag ka ng magbayad iha, anak ka naman ng kaibigan ko" nakangiti nyang sabi sakin at ako naman ang umuling.
"Kuya, trabaho nyo pa din naman po to eh, tsaka magagalit sakin at sayo si tatay kapag nalaman nya po na hindi nyo tinanggap ang bayad ko" mahabang sabi ko sa kanya at kinuha ang kamay nya para ibigay ang bayad ko. Ginawa ko ng two hundred hehe.
"Bantayan nyo po si tatay ah? Salamat po" sabi ko sa kanya at bumaba na sa kalesa.
"You're eight minutes late" sabi sakin ni Damiel at uminom ng kape
"Pasensya naglibot libot kasi ako" wika ko bago umupo sa harapan nya.
"Here's my first payment for this month" inabot nya sakin ang isang sobre. Kinuha ko ito at tinago na sa wallet ko. Seryoso nga sya hays.
BINABASA MO ANG
Meeting You Accidentally (Protective Series #1)
RandomProtective Series #1 "Hindi ko alam kung anong nagawa kong mali para masaktan ako ng ganito" - Kryzelle Gueverra "I choose to leave you, just to protect you" - Damiel Acuzar "Hindi ko alam na mamahalin kita ng ganito, yung tipong hindi mo pa hinihil...