CHAPTER 7

62 15 0
                                    


          Enjoy Reading!!



"So ano ngang nangyari??" tanong sakin ni Rea ng makapasok kami sa classroom.


Umupo ako sa upuan ko at tumabi naman sakin si Rea. Humarap ako sa kanya at kinwento ang buong nangyari sa Las Casas.


"Oh my!! Oh my!! Pakining shit sana all!" tili ni Rea sabay hampas sa braso. Masakit ah!


"Ang Oa mo! Ginawa lang nya yun kasi sabi ko wag nyang sabihin kahit kanino na slave nya ko!" pagpapaliwanag ko sa kanya pero nginitian nya lang ako. Baliw.


"Kahit na! Kaibigan naman nya yon eh! Ikaw nga sinabi mo samin duh!" pahpupumili nya. Kulet!


"Bahala ka, pero alam mo ba na dito pala sya nag aaral?" tanong ko sakanya at tumango naman sya. What?! Alam nya tapos ako hindi?!


"Eh sila Yas? Si Sunny at Nika?" tanong ko ulit sa kanya at tumango ulit sya. 


"So ako lang ang walang alam?" tanong ko sa kanya


"Aba malay kong hindi mo sya kilala! Sikat sya dito no!" sagot nya at may nilabas na gamit.


"Edi kilala mo din sila Vincent?" tanong ko at tumango naman sya. Bat di ko alam?!


"Kaibigan ni Acuzar yon eh, pati sila Eljohn at Frankie" sagot nya at nangalumbaba


"Eh bakit hindi ko sila nakikita dito sa Campus?" tanong ko ulet. Gosh pakiramdam ko tuloy nagkakasalubong kami dati pero di ko napapansin!


"Tangek ka ba? Si Damiel at Vincent madalas nating nakakasama dahil Architecture ang course nila!" sagot nya. Weh? Di nga?


"Pakining shit bakit di ko sila napapansin?!" inis na tanong ko at nilabas ang notebook ko.


"Busy ka kasi sa pag aral mo! Kayong dalawa ni Sunny kaloka! Pero mas busy ka kesa kay Sunny!" 


Napahilamos tuloy ako sa mukha ko sa sobrang inis. Grr hindi ko nga din alam bakit ako naiinis ih!


"Uyy interesado ka na kay Acuzar ah?" panunukso nya sakin, tinignan ko sya ng masama at tumawa lang ang loko!


Buti na lang ay dumating na ang prof namin kaya hindi na nya ko tinukso pa. Buti na lang! Hays!


"Okay class, kung tapos na kayo sa plate nyo pwede nyo ng ipasa sakin" sabi samin ni Sir.Oka at umupo sa upuan nya.


Tumayo naman si Rea at ang iba kong kaklase para magpasa. Woah ang aga magpasa ni Rea ngayon ah hahaha.


"Wala ako sa friday kaya hanggang thursday na lang ang pasahan ng plates nyo" anunsyo ni sir at may ilang nagreklamo.


Meeting You Accidentally (Protective Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon