Enjoy Reading!!!
"Hindi nga? Sinabi nya talaga sayo yun?" tanong sakin ni Yas
Kumpleto kaming lima ngayon at naka tambay kami sa ministop. Wala na kaming klase at hindi din ako pumayag na sunduin ngayon ni Damiel dahil ngayon na lang ulit kami nakumpletong lima.
"Oo nga? Akala namin slave lang talaga eh" sabi ni Nika at kumain ng ice cream
"Akala ko din kaya" sabi ko sa kanila. Tumawa naman si Rea
"Ang manhid mo naman gurl! Hatid sundo ka tapos as slave lang? Pakining shit walang ganon no!" sabi ni Rea at sumang ayon ang tatlo
"Pero ang galing kung pano ka nya nakilala no?" tanong ni Sunny at tumango ako. Bingo!
"Hindi ko alam na ganon na nya ko kakilala dahil lang kay Tatay" sabi ko at kumain ng Kariman
"Panong ganong kakilala?" tanong ni Nika.
"Alam nya lahat ng favorite ko at yung mga ayaw ko" sagot ko at tumango naman sya.
Napatingin ako kay Sunny na ngayon ay mukhang may ka text.
"Woi ano nga pa lang balita sayo? Bihira ka na lang magchat sa gc ah" tanong ko kay Sunny at napatigil sya sa ginagawa nya. Tinignan din sya nila Yas, Nika at Rea
"Oo nga? Anong nangyari three months ago noong nag Mt.Samat kayo?" tanong ni Nika sa kanya. Ngumiti naman sya.
"Wala naman" sagot nya. Kumunot naman ang noo ko. Anong wala naman -,-
"Eh bakit bigla mong binura yung post mo dun yung sa lalaking kinuhanan mo ng picture?" tanong naman ni Yas
"Wala naman, parang hindi naman tama yung palihim ko syang kinuhanan" sagot nya habang nakangiti.
Tumango sila at hindi na tinanong si Sunny. Samantalang ako ay tinignan sya. Pakiramdam ko may tinatago tong babaeng to eh.
Isang oras at mahigit kaming tumambay sa ministop bago nag decide na umuwi na. May mga gagawin pa kasi kami ni Rea, ganon din yung tatlo.
"Hindi ka ba susunduin ni Acuzar mo?" tanong ni Rea ng kami na lang ang magkasama. Umiling naman ako.
"Ano ba sinabi mo ng sabihin nya yon sayo?" tanong nya. Kinuwento ko naman sa kanya
"Hindi ko alam na mamahalin kita ng ganito, yung tipong hindi mo pa hilingin sakin ay binibigay ko na sayo" seryosong sabi nya at pinaandar na ulit ang sasakyan..
BINABASA MO ANG
Meeting You Accidentally (Protective Series #1)
RandomProtective Series #1 "Hindi ko alam kung anong nagawa kong mali para masaktan ako ng ganito" - Kryzelle Gueverra "I choose to leave you, just to protect you" - Damiel Acuzar "Hindi ko alam na mamahalin kita ng ganito, yung tipong hindi mo pa hinihil...