Enjoy Reading!!!
"Saan kayo nagkakilala ni Sunny?" tanong ni Yas kay Dark..
Nandito pa din kami sa tambayan namin kasama si Damiel at Dark. Tanong naman ng tanong ang tatlo kong kaibigan kay Dark..
"Sa Mt.Samat, kinuhanan nya ako ng picture at in upload sa IG" sagot ni Dark habang nakatingin kay Sunny.
Sana all talaga!
Napalingon ako Damiel dahil hinawakan nya ang kamay ko..
"Ayos ka lang ba?" tanong nya sakin. Tumango naman ako at ngumiti.
"Alam ba ni Dark na may gusto sa kanya si Sunny?" mahinang tanong ko sa kanya
"Mukhang hindi honey, pero ang alam ko may gusto din si Dark kay Sunny. Base sa mga ginagawa nya para sa kaibigan mo" sagot nya sakin at inakbayan ako..
"Hoy kayong dalawang mag jowa dyan pakisama naman sa mga single dito oh" parinig samin ni Rea
Napasimangot tuloy at inirapan sya. Basag moment eh!
Narinig ko ang pagtawa ni Damiel. Tumayo sya inaya akong lumabas..
"San tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. Nginitian nya ko at pinasakay sa kotse nya
"Mag dadate tayo" naka ngiting sabi nya sakin.
Natahimik ako at ngumiti.. Shet na malagket!
"Saan naman tayo mag dadate?" tanong ko sa kanya. Tumingin sya sakin at nag wink. Fvck!
"Secret muna honey" sagot nya at mabilis na pinaandar ang sasakyan nya.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa mataong lugar. Agad syang nag park ng sasakyan.
Bumaba sya ng sasakyan nya at pinagbuksan ako ng pinto..
"Seryoso ka? Dito talaga tayo mag dadate?" tanong ko sa kanya. Tumango sya at ngumiti.
"Palengke date honey" naka ngiti nyang sabi at hinatak na ko.
Kapupunta lang namin kanina dito nila Nika eh! >_<
"Hindi naman sa ayaw ko dito Damiel ah, pero bakit dito mo naisipan na mag date?" tanong ko sa kanya habang sabay na naglalakad
"Hindi ka pa ba nakakapunta dito?" tanong ko ulit sa kanya.
BINABASA MO ANG
Meeting You Accidentally (Protective Series #1)
AcakProtective Series #1 "Hindi ko alam kung anong nagawa kong mali para masaktan ako ng ganito" - Kryzelle Gueverra "I choose to leave you, just to protect you" - Damiel Acuzar "Hindi ko alam na mamahalin kita ng ganito, yung tipong hindi mo pa hinihil...