Enjoy Reading!!!
"Kryzelle"
Agad akong napalingon sa tuwag sakin pero agad ding nag iwas ng tingin..
"Anong kailangan mo?" mahinahong tanong ko kay Damiel. Lumapit sya sakin at hinawakan ang braso ko.
"Bitawan mo ko" mahinahon pa ding utos ko.. Ayoko syang sigawan dahil baka bigla na lang tumulo ang luha ko..
"Lets talk" sabi nya sakin at hinila ako papunta sa parking lot ng Hospital..
Hindi na ko nagpumiglas at nagpahila na lang sa kanya. Wala namang silbi kung magpumiglas ako, mahahatak at mahahatak nya pa din ako..
"So anong pag uusapan natin?" seryosong tanong ko sa kanya ng nasa tapat na kami ng sasakyan nya
Tinignan nya ako at nagtiim bagang..
"Bakit si Rea ang nandon?" unang tanong nya sakin. Napa irap ako at tinignan sya.
"Ayoko muna sana kitang makita kaya si Rea muna ang pinalit ko don kaya lang mapaglaro si tadhana eh. Ayaw kitang makita pero charan! Andito ko ngayon sa harap ko!" sarkastikong sabi ko sa kanya.
"Why?? Dahil ba sa sinabi ko sayo four days ago?" tanong nya sakin. Sarcastic akong tumawa
"Ay buti naman alam mo!" prangkang sabi ko sa kanya.. "Noon yun lang dahilan eh, pero ngayon mas gugstuhin ko pa yatang ipasa tong project ko kay Rea" dagdag kong sabi.
Kumunot ang noo nya sa sinabi ko at masama akong tinignan..
"Ikaw ang in assign nila mama dito kaya wag mong ipasa sa iba" may diing sabi nya sakin. Ngumisi ako.
"Hindi ko nga din maintindihan kung bakit ako eh. Sa dinami-rami ng Engineer dito sa Pilipinas bakit ako pa!" inis na sigaw ko sa kanya. Shit kalma lang Zelle!
"Because I'm the one who recommend you to my mother!" inis ding sigaw nya sakin. Napatigil ako sa sinabi nya. Pakining shit ang gulo ha!
"Akala ko ba hindi ikaw?! At kung ikaw nga bakit mo naman gagawin yon?!" inis na tanong ko.
Huminga sya ng malalim at marahang hinawakan ang kamay ko.. Napatigil ako..
"Dahil gusto kong bumalik tayo sa dati.. That's my reason.." mahinahong sabi nya sakin..
Ilang segundo ko syang tinignan at prangkang tumawa.. Naka drugs ba sya?!
"Alam mo.. Maniniwala na sana ako sayo eh.. Kaya lang may anak ka na! Pakining shit isa kang maharot na tao!!" galit na sabi ko sa kanya. Pakining shit sya!
BINABASA MO ANG
Meeting You Accidentally (Protective Series #1)
AcakProtective Series #1 "Hindi ko alam kung anong nagawa kong mali para masaktan ako ng ganito" - Kryzelle Gueverra "I choose to leave you, just to protect you" - Damiel Acuzar "Hindi ko alam na mamahalin kita ng ganito, yung tipong hindi mo pa hinihil...