CHAPTER 4

79 16 0
                                    


Enjoy Reading!!



Ng sumapit na ang ala singko ay naligo ulit ako at naghanda na ng sarili para makipag kita kay papa. Six thirty ng matapos ako sa pag aayos ko sa sarili ko at kinuha ang sling bag ko na may lamang phone at wallet lang.


"Maglilibot po muna ako dito tay bago tayo magkita sa Katipunan Restaurant" sabi ko kay tatay habang kausap sya sa telepono


[ Sige anak, maglibot libot ka muna dyan. Maraming magagandang lugar dito para libutin ]


"Opo. Dala ko po yung brochure at iisa isahin ko pong puntahan to" naka ngiti kong sabi at narinig ko ang pagtawa ni tatay. Napangiti ako


[ Oh sya sige na nak, tapos na break ko. loveyou nak ]


"Loveyoutoo po tay" sabi ko at pinatay na ang tawag


Nagpunta ako sa beach at agad na nagselfie. Wala namang akong kasama ngayon para picturan ako kaya selfie na lang.


Ng magsawa na ko sa pagseselfie at pagpipicture sa paligid ay umupo ako sa beach chair at in upload ang mga kuha ko sa instagram. #LasCasasFeels #IWantToLiveHere


Ilang minuto lang ng ma post ko mga picture ay nag comment ang mga kaibigan ko. Wow updated.


Ysmn_Altr: Sana all talaga eh!


Rea_Clemente: Buti ka pa wala sa bahay. Sana all 2!!


Snny_lvrz: Tignan nyo din post ko sa insta! May nakuhanan akong gwapo! mwahaha


Nika_Shmmr: Sana all 3! Ang boring dito sa party!


Niheart ko ang mga comment nila at ibang comment ng kaklase ko. Chineck ko naman ang post ni Sunny at napangiti ako. Lantong naman! Hahaha.


Pano ba naman kasi ang caption nya sa post nya ay "Pag tumingin ka, akin ka" at ang gaga meron syang dalawang picture nung lalaki. Ang isa hindi nakatingin sa kanya at ang pangalawa ay nakatingin na sa kanya.


Iiling iling kong tinago ang phone ko at tumayo na dahil isang oras na pala akong naka upo don. So ang oras na ngayon ay seven thirty kaya naman nagmadali akong maglakad at buti na lang ay may paparating na jeep kaya agad kong pinara.


"Katipunan Restaurant po kuya" sabi ko sa driver at tinanguan naman nya ako.


Ilang minuto lang ang inantay ko at nakarating na din ako sa Restaurant. Umupo ako sa napili kong mesa at agad na tinext si tatay.


To: Tatay Kristofer

Tay nandito na po ko sa restaurant


Meeting You Accidentally (Protective Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon