CHAPTER 24

43 13 0
                                    


          Enjoy Reading!!!





Week passed at nasa hospital ulit kami dahil nagising na si Emman at medyo maayos na ang lagay nya. Thank God


"May masakit pa ba sayo?" tanong ko sa kanya. Ngumiti sya sakin at marahang ngumiti


"Wala naman na po Engineer. Medyo nanghihina lang po" sagot nya. Tumango ako 


"Magpahinga muna dito ng ilang araw pa" sabi ko sa kanya at inalalayan sya pahiga sa kama


Lumingon ako kay Rea at nginitian sya..


"Nag usap na ba kayo?" tanong ko sa kanya.. 


"Mag uusap pa lang. P-pwede bang sa labas muna kayo?" paki usap ni Rea sa amin ni Damiel.. Ngumiti ako at tumango


"Mag usap kaya kahit ilang oras.. Babalik na kasi ulit kami sa Las Casas" sabi ko.. Tumango sya at hinatid kami hanggang sa labas ng Hospital


"Mag iingat kayo sa byahe ha?" paalala nya samin.. Sabay kaming tumango ni Damiel sa kanya at nag paalam na kay Rea..


"Are you okay? Natutulog ka ba ng maayos?" biglang tanong sakin ni Damiel habang naglalakad papunta sa parking lot.


Umiling ako sa kanya.. This passed few days lagi akong late na natutulog dahil may ginagawa akong mga plano para sa mga iba ko pang project..


"Why? Anong mga ginawa mo?" tanong nya ulit sakin 


"May mga tinapos akong mga plano sa iba ko pang project" sagot ko at binuksan ang pinto ng front seat ni Damiel..


Hinahatid sundo nya na ako simula noong magkaayos kaming dalawa.. Para kaming bumalik sa dati at masaya ako dahil don..


"Kumain ka na ba?" tanong nya sakin ng makapasok sya sa driver's seat..


"Hindi pa. Ang aga mo kong sinundo eh" sagot ko at uminom ng tubig na nasa gilid.


Tinignan nya ako bago ni start ang sasakyan.. 


Tahimik kami habang nasa byahe kaya naisipan kong matulog muna..


"Gisingin mo ako kapag nasa Las Casas na tayo ha?" mahinang sabi ko sa kanya at pinikit ang mata.. 


Wala akong narinig na sagot mula sa kanya kaya mahimbing na lang akong natulog.. 





"Hey.. Honey.." 

Meeting You Accidentally (Protective Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon