CHAPTER 9

57 14 0
                                    


              Enjoy Reading!!




Mabilis na lumipas ang araw. Ngayon ay tatlong buwan na kaming magkakilala ni Damiel at kagaya ng dati, madalas nya kong harutin pero hindi ko sigurado kung totoo ba yung pinagsasasabi nya sakin o talagang maharot lang sya.


"Kamusta ang buhay may lovelife?" tanong sakin ni Rea


Nandito kami ngayon sa library dahil wala kaming matambayan na malamig malamig. Hay sarap matulog.


"Hoy babae tinatanong kita aba" tawag nya sakin.


"Ano ulit tanong mo??" tanong ko at napairap naman sya


"Seryoso? Ako kasama mo tapos yung isip mo na kay Acuzar mo" sabi nya at umirap ulit .. "Ang sabi ko kamusta ang buhay may lovelife" 


"Maayos naman" simpleng sagot ko


"Seriously ayan lang masasabi mo? Asan na yung Kryzelle na madaming chika?" sabi nya at binalik ang tingin sa librong binabasa nya.


Napa iling ako at kinuha ang phone ko dahil naramdaman kong nag vibrate ito.


From: Honey

Nasan ka? Wala na ba kayong klase? Kung meron pa, anong oras tapos nyo? Sunduin kita, may pupuntahan tayo.


Napangiti ako. Sa loob ng tatlong buwan palagi nya kong dinadala sa mga lugar na hindi ko pa napupuntahan. Iniba nya din ang  name nya sa contact list ko ng malaman nya na ang name nya sakin ay 'Las Casas driver'


To: Honey

May last subject pa kami, Differential Calculus. one to two pm. Saan tayo pupunta?


Tumingin ako kay Rea na ngayon ay busy sa phone nya. Sino naman kaya kausap ng babaeng to??


"Susunduin ako ni Damiel mamaya" sabi ko sa kanya 


Napatigil sya sa ginagawa nya at tinignan ako. Ngumiti sya ng nakakaloko


"Talagang ni career nyo nya talaga ang mag jowa ah" naka ngising sabi nya sakin. Inirapan ko sya.


"Psh, kapag kaming dalawa lang magkasama lagi nya kong inuutusan no! Hindi naman nawala yung pagiging slave ko" sabi ko sa kanya at inayos na ang mga gamit ko dahil malapit na matapos ang break namin.


"Asus! Sige na nga kunyari naniniwala ako. Hahaha" pang aasar na sabi nya sakin at nag ayos na din ng gamit nya. 





"Mauna na ko sayo Zelle ah? May pupuntahan pa ko tsaka susunduin ka naman dito" sabi ni Rea ng matapos ang klase namin kay Ma'am Lucena.


Meeting You Accidentally (Protective Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon