Enjoy Reading!!
"Ngayon kilala mo na ko" naka ngisi nyang sabi sakin at lumapit sakin. Agad naman akong please sign at mariing pinikit ang mata. Kahit kailan talaga ang malas ko huhu
"P-pasensya na, n-nagkamali ako ng kwarto. K-kasi naman hindi ko alam k-kung I6I ba to o I9I eh huhu" halos maiyak na sabi ko sa kanya. Shit hindi pa nga kami nagkikita ni tatay baka mapaalis ako agad dito o kaya mawalan ng trabaho so tatay pag nalaman ng lalaking to na dito nagttrabaho si tatay huhu.
Inikutan nya ko habang nakatingin sa phone nya at parang may kinakalikot. Ginagawa neto?
"Buti na lang mabait ako at hindi basta basta nagpapa alis ng turista" seryosong sabi nya sakin kaya naman nakahinga ako masyado ng maluwag. Woooh pakining shit
"S-salamat" utal na sabi ko sa kanya at mabilis pumunta sa pinaglapagan ko ng gamit kanina.. "A-aalis na ko, pasensya na ulit sa mga nagawa at nasabi ko hehe. P-pangako hindi mo na makikita ang mukha kong to! Sorry talaga!" dagdag na sabi ko at palabas na sana ako ng pinto ng tawagin nya ang pangalan ko.
"Kryzelle Gueverra"
"B-bakit?" utal na tanong ko at dahan dahang humarap sa kanya. Ngumiti ako sa harap nya kahit ang totoo ay gusto ko ng umiyak sa sobrang hiya at kaba.
"Ahuh? So ikaw nga to" naka ngising tanong nya sakin. Huh? Alin? "Do you know Vincent Refuerzo?" tanong nya ulit sakin. Sinong Vincent Refuerzo naman yon?
"Sino yon?" balik na tanong ko sa kanya. Hindi ako sigurado kung sinong Vincent ang tinutukoy nya ih, pwedeng yung kaklase ko pero hindi naman Refuerzo apilido nya o kaya naman si Vincent na kakakilala ko lang kanina pero di ko naman alam apilido nun eh.
"Seriously hindi mo kilala? Tsk so sino yung kausap nya daw kanina na Kryzelle?" nakakunot noong tanong nya habang ang kamay nya ay nasa chin nya.
"Ahh si Vincent ba kamo yung nilibre ako ng entrance dito?!" napasigaw ako sa harap nya ng mapagtantong si Vincent na mabait pala ang tinutukoy nya. Refuerzo pala surname nya? Ang cute naman hihi
"Oo sya nga" poker face na sabi nya sakin.. "Oh bat ka naka ngiti dyan? Sinabi ko bang pwede kang nguminiti?" inis na tanong nya sakin.. Aba't anong problema nito sa pagngiti ko?
"Bakit ba ang sungit mo? Ganyan ka ba talaga? N-nag sorry naman na ko kanina ah?" tapang tapangan na sa tanong ko sa kanya. Nakita nya pa talaga pag ngiti ko ha? Ibang klase naman mata neto
"Tinanggap ko ba ang sorry mo?" naka ngising tanong na naman nya sakin. Grrr bakit ba ngisi ng ngisi ang lalaking to? Oo na gwapo sya pero wag naman syang laging naka ngisi.
"Bakit? Hindi mo ba tatanggapin ang sorry ko?"
"Hindi. Tingin mo kapag nagsorry ka maibabalik mo yung naudlot kong pagkain?" balik na tanong nya sakin. Ibang klase den ah. Batuhan kami ng tanong?
BINABASA MO ANG
Meeting You Accidentally (Protective Series #1)
RandomProtective Series #1 "Hindi ko alam kung anong nagawa kong mali para masaktan ako ng ganito" - Kryzelle Gueverra "I choose to leave you, just to protect you" - Damiel Acuzar "Hindi ko alam na mamahalin kita ng ganito, yung tipong hindi mo pa hinihil...