Enjoy Reading!!!
"Tay anong mas maganda? Itong red dress o violet dress?" tanong ko kay tatay at pinakita sa kanya ang dalawang dress.
"Kahit ano naman dyan ay bagay sayo anak" sagot nya at uminom ng kape nya.. Bagsak ang balikat na tinignan ko sya..
"Tay ano kasi! Alam ko pong bagay sakin kaya nga po pinapapili kita kasi hindi ako makapili" pagmamaktol ko.. Nagbuntong hininga si tatay..
"Ano bang problema mong bata ka at hindi ka makapamili ng susuotin mo?" tanong sakin ni tatay.. Ngumuso ako..
"May d-date kami ngayon ni Damiel" mahina at nahihiyang sabi ko kay tatay.. Nanlaki ang mata nya at ngumiti sakin
"Kaya pala! Hala anak sige yung violet ang suotin mo, mas bagay sayo" nakangiting sabi sakin ni tatay.. Nginitian ko at mabilis na bumalik sa kwarto ko..
Mabilis kong sinuot ang violet dress na pinapili ko kay tatay at nag simula ng mag ayos ng sarili..
Habang nag aayos ay kumatok si tatay sa pinto ng kwarto ko..
"Bakit po??" malakas na tanong ko
"Nasa sala na si Damiel" imporma sakin ni tatay.. Nanlaki ang mata ko at mabilis na nag ayos..
Shit ayos na ba tong ipit at make up ko?!
Ng makuntento ako sa ayos ko ay agad akong kinuha ang gamit ko at mabilis na nagpunta sa sala..
"G-good morning!" nahihiyang bati ko sa kanya.. Tumayo sya sa kinauupuan nya at nginitian ako..
"Good morning honey.. Let's go?" tanong nya.. Tumango ako at lumapit sa kanya
"Tito mauna na ho kami" paalam ni Damiel kay tatay.. Tumango si tatay at ngumiti samin
"Mag enjoy kayo ha?" bilin samin ni tatay.. Napangiti ako..
"Opo tay / tito" sabay na sabi namin ni Damiel.. Tinanguan kami ni tatay at hinatid hanggang sa sasakyan ni Damiel..
"Ano hong gusto nyong pasalubong pag uwi?" tanong ni Damiel
Ngumiti si tatay at tinignan ako sandali..
"Ngiti ng anak ko at ang mga kwento nya. Yun lang ang gusto ko" nakangiting sagot ni tatay..
Nangilid ang luha ko dahil sa sinabi ni tatay.. Corny pakinggan pero dahil si tatay ang nagsabi na touch ako ng sobra!
BINABASA MO ANG
Meeting You Accidentally (Protective Series #1)
RandomProtective Series #1 "Hindi ko alam kung anong nagawa kong mali para masaktan ako ng ganito" - Kryzelle Gueverra "I choose to leave you, just to protect you" - Damiel Acuzar "Hindi ko alam na mamahalin kita ng ganito, yung tipong hindi mo pa hinihil...