✾01✾

574 18 2
                                    


A/N: Sa sobrang pagka bored ko ay nagawa ko ang story natu. So yeah, but I hope you like it! Te amo!! ❤️

    ◦•●◉✿✿◉●•◦

"Ummie, papasok na po ako." paalam ko sa aking Ina at hinalikan ang kanyang kamay.

"Mag iingat ka ah?" sabi niya sakin at ngumiti naman ako at tumango. Naglakad na ako at hinanap ang aking Ama sa aming bahay. Nakita ko naman siya agad sa likod ng harden namin na inaayos ito.

"Abie, papasok na po ako." paalam ko sakanya at lumapit na ako para halikan ang kanyang mga kamay.

"Sige, umuwi ka kaagad." sabi niya sakin at tumango naman ako bilang sagot. Lumabas na ako at nakita ko naman agad ang aking pinsan na naghihintay sakin sa labas.

"Bakit hindi ka pumasok, Ameera?" tanong ko sakanya.

"Kadadating kulang din insan, kaya okay lang." sagot niya sakin.

Siya si Fatima Ameera Kiram. Pinsan ko siya sa mother side. Magkalapit lang kasi ang bahay namin dalawa at parati kami ang magkasama pumapasok sa school at Madrasa. May kuya siya pero syempre, hindi kami ang kasama niya kung hindi ang mga kaibigan niya. Grade 10 na kami ni Fatima sa taong ito. Habang ang kuya niya ay gr. 11 na.

"Zahrah, nong isang araw ay pumunta ang mga kaibigan ni kuya at kasama ang crush mo na si Malik!" mahinang sigaw niya habang naglalakad kami patungo sa paaralan namin. Habang marami na din istudyante ang mga nasa palagid namin.

"Baka may makarinig sayo. Wag kang sumigaw" mahinang sabi ko sakanya.

"Mas lalo atah gumuwapo si Malik, Zahrah." tukso na sabi niya sakin.

Minsan lang kami magkita dalawa kapag nandito sa school. Kapag naman sa Madrasa ay dun kami parati nagkikita. Grade 6 na siya sa Madrasa habang ako ay nasa gr. 4 palang. Kaming dalawa ni Ameera . Magkaibigan ito ng aking pinsan si Abdul Rafi ang kuya ni Ameera.

"Simula bata palang tayo ay crush mo na siya yiee." pang aasar ni Ameera sakin pero yumuko lang ako at pinabayaan na siya magsalita dun. Nakarating na kami sa room namin. Hindi lang naman kami ang Muslim dito. Dahil karamihan sa mag aaral dito ay Muslim. Nakahijab din yung iba pero yung iba ay hindi.

Umupo na kami sa hulihan at yung malapit sa bintana. Marami na din ang mga kaklase namin na pumapasok sa room. Habang nandito kami nakaupo ay dumating naman ang iba pa namin kaibigan. Naglalakad na silang dalawa papunta dito.

"Assalamu'alaikum." bati nilang dalawa samin.

"Wa'alaykumus salaam." sagot namin sa kanila.

"Namiss ko kayo." sabi ni Aminah samin at niyakap muna si Ameera bago lumapit sakin.

"Bakit parang mas matagal atah yang pagkakayakap mo kay Zahrah ah? Unfair mo talaga Aminah." nagtatampo sabi ni Ameera sakanya at tumawa naman kami ng mahina dalawa.

"Nandito naman ako. Ako nalang yayakap sayo ng matagal pfft." natatawa sabi ni Aliyah sakanya. Ang kakambal ni Aminah. Matatalik namin silang kaibigan dalawa. Simula mga bata palang kami ay pareho na kami ng paaralan na pinapasukan.

"Hindi ako makapaniwala na grade 10 na tayo." masayang sabi ni Aminah.

"Oo nga, parang kailan lang. Nasa grade 7 pa tayo" sabi ni Ameera.

"Itong si Zahrah, wala pa din kupas ang ganda. Mas lalo atang gumaganda sa mga panahon na lumilipas." sabi ni Aliyah sakin. Tinawanan ko lang siya at dumating na din ang teacher namin kaya nagsi upo na sina Aliyah at Aminah sa mga upuan nila.

You Are My Dua | ✓Where stories live. Discover now