"Insan ang ganda naman ng regalo sayo ni Malik!" sabi ni Ameera habang nakatingin sa abaya at hijab na nilabas niya kanina mula sa closet ko."Sanaol! Bigyan niyo din nga ako ng isang Malik!" sabi ni Aminah. Napatawa naman ako ng mahina sakanila.
Nandito kasi sila sa bahay namin. Dahil vacation na din ay wala na kaming magawa ay bumisita sila sakin. Nagulat nga ako kanina habang nagbabasa ako ng Qur'an ay pumasok si Ummie at sinabi sakin na nandito daw sina Ameera pati na din ang kambal.
"Tumigil nga kayo HAHAHAH." natatawa ko sabi sakanila.
"Si kuya may regalo din sayo pero hindi niya na ibigay sayo. Siya nalang daw mismo ang magbibigay nun." sabi ni Aliyah sakin at nahiya naman ako.
"Wag na siyang mag abala pa." sabi ko sakanya.
"Nakita ko kasi siya na may binili tapos tinanong namin ni Aliyah kung para kanina yun. Ang sagot niya samin ay para daw ito sayo." sabi ni Aminah sakin.
"Naku insan ikaw na talaga! Ang haba ng hair mo ah! Este hijab pala hehehehe." umiling iling nalang ako sa sinabi nila sakin.
"Paki sabi sa kuya mo na wag nalang. Salamat." sabi ko kambal.
"Sige, Zahrah. Sasabihan namin si kuya pagkauwi namin." sagot ni Aliyah sakin.
"Bet ko na talaga si Malik para sayo insan!" sabi ni Ameera. Napatawa nalang kami dahil siya talaga ang kinikilig sa ginagawa ni Malik. Kahit magbigay lang naman ng regalo ito.
Nag usap na din kami kung san kami mag aaral apat. Pareho din kami ng papasukan sa taong to. Kahit atah mag college kami ay hindi kami mapaghihiwalay apat. Nandito lang sila buong maghapon. Habang kanina ay tinuruan ko naman si Aminah na bumasa ng Qur'an gusto niya kasi na turuan ko siya. Habang sina Ameera at Aliyah ay nag uusap tungkol kay Rafi.
Naalala ko tuloy nong moving up namin. Nandun din kasi ang pinsan kong si Rafi at nahihiya pa talaga si Aliyah na magpicture sila ni Rafi at ganun din si Rafi sakanya. Natawa nalang kami tatlo nun dahil sobrang pula ni Aliyah. Atleast may litrato na naman sila ni Rafi maliban sa ball. Napatingin naman ako sa box kung saan ko tinatago ang litrato namin ni Malik. Napangiti nalang siguro mamaya kuna titignan kapag wala na sila dito.
Nang matapos kami ay napagpasiyahan namin na bumili ng mangga sa palengke. Nang makabili kami ay umuwi din kami kaagad at kumain nito.
"Mag iingat kayo." sabi ko sakanila habang hinatid ko sila sa labas.
"Sige, Zahrah."
"Assalamu'alaikum."
"Wa'alaykumus salaam." sagot nila sakin at umalis na.
Isasara ko sana ang gate namin ng makita ko si Malik kasama ang mga kaibigan niya. Napatingin naman siya dito at nag iwas na ako ng tingin at agad na sinara ang gate. Pumasok na ako sa loob at naupo naman ako sa tabi nina Abie at Ummie.
"Umuwi na sina Ameera?" tanong ni Ummie sakin.
"Opo, Ummie. Hapon na din kasi." sagot ko sakanya.
"Napag usapan niyo na ba kung san kayo mag aaral ngayon taon?" tanong ni Abie sakin. Alam kasi ni Abie simula bata palang kaming apat ay hindi na kami mapaghihiwalay.
"Opo. Same school pa din kung san kami nag aral nong high school." sagot ko kay Abie.
"Mabuti naman." at nag usap usap lang kami dun nina Abie at Ummie.
Malapit na din ang Ramadhan at excited na ako. Dahil namimiss ko na din ang mga pagkain na binibinili ni Ummie sa palengke. Namiss ko din kumain ng santan. Ang Ramadhan ang isa sa mga palaging hinihintay namin mga Muslim. Excited na tuloy ako mag taraweeh kasama sina Ameera.
YOU ARE READING
You Are My Dua | ✓
Teen FictionHe's praying for her. She's praying for him. Little do they know, Allah sealed their fate with each other before they were even born. This is a Muslim lovestory. ***YOU DON'T HAVE TO BE A MUSLIM TO READ THIS***