✾07✾

43 18 0
                                    


Ilang oras na din ang lumipas ay nandito lang ako nakaupo habang nakatingin sa mga kaibigan ko. Bigla naman naagaw ng atensyon ko ay pagtulak ng mga kaibigan ni Malik papunta dito sakin. Napayuko naman ako hanggang sa makarating na sila dito. Mabilis pa din ang tibok ng puso ko habang hila hila siya ng mga kaibigan.

"Come on, bro. Wag kang torpe dyan. Ngayon lang to." sabi ng kaibigan niya sakanya at nandito na ngayon siya sa harapan ko.

"Zahrah, pwede bang magpicture kayo ni Malik?" tanong sakin ng isa pang kaibigan na kasama niya. Napatingin naman ako sakanya habang nakangiti siya habang napakamot sa batok.

Mukhang nahihiya din siya.

"Ahm sige." sagot ko at tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko.

Agad naman tumabi sakin si Malik pero may distansya naman siyang iniwan para samin dalawa.

Gentleman.

Napangiti naman ako sa naisip ko. Tumingin na kami sa camera dalawa at ngumiti naman ako. Hindi ko alam kung ilang litrato ang kinuha ng mga kaibigan niya. Nakarating na din sina Ameera at agad kinuha ang camera nila para kunan din kami ng litrato ni Malik.

"Tama na yan." husky na boses niya.

"Sige, Zahrah. Salamat!" masaya sabi ng mga kaibigan niya at tumango lang ako.

Inakbayan naman nila si Malik at naglakad na papunta ulit sa table nila. Mukhang tinitignan ni Malik ang litrato namin dalawa.

"Tignan mo, Zahrah! Ang ganda ng kuha ko sainyo!" masaya sabi ni Ameera sakin.

"Bagay na bagay talaga kayo, Zahrah!" tukso ni Aminah sakin habang nakatingin sa cam na dala ni Ameera.

Lumapit na man ako sa kanila. Tinignan ko naman ang kuha ni Ameera samin ni Malik kanina. Maganda nga ang pagkakuha niya samin. Yung iba ay nakangiti kami yung iba naman ay nakatingin sakin si Malik na akala mo ay ako lang ang pinakamagandang babae sa kaniyang paningin.

"Bibigyan kita ng kopya nito insan. Walang anuman HAHAHAHA" natatawa niya sabi sakin. Umiling iling lang ako sakanya habang nakangiti.

Yan ang first picture namin ni Malik. Masaya naman ako na kahit sa picture man lang ay meron kami. Ang hindi ko lang maisip ay kung bakit tinatawag ng mga kaibigan niya na torpe siya. Inalis ko naman sa aking isipan ang naiisip kong iyon.

Papauwi na din kami ngayon nina Aliyah. Habang nasa likod lang namin sina Rafi at Malik kasama ang kaniyang mga kaibigan. Hinatid muna namin sina Aliyah at Aminah sa kanilang kotse na.

"Mag ingat kayo sa pag uwi niyo." sabi ko sakanila at tumango naman sila bago pumasok sa kanilang kotse.

"Tara na, kuya." yaya ni Ameera habang nandito lang ako sa gilild na nakayuko.

"Sige, mauuna na kami nina Malik." paalam ni Rafi sa mga kaibigan niya habang nanlalaki naman mata ko at hinila si Ameera na nasa tabi ko lang.

"Kasabay natin si Malik?" tanong ko kay Ameera.

"Oo, hindi ko ba nasabi sayo?" tinignan ko naman siya at unti unti siya nag peace sign sakin.

"Sorry hehehehe. Nakalimutan ko atah sabihin sayo insan." sabi niya sakin. Huminga nalang ako ng malalim.

"Okay lang." at ngumiti sakanya.

Naglakad na kaming apat papunta sa kotse ni Rafi. Sumakay na ako sa backseat at nagulat naman ako ng biglang pumasok si Malik dito at umupo sa tabi ko. Hindi na ako nagsalita at tumingin nalang sa labas ng bintana.

"Ihahatid muna natin si Zahrah dahil kanina pa tumatawag si tito na pauwiin na si Zahrah." sabi ni Rafi.

"Ahm insan okay kalang dyan?" mahinang tanong ni Ameera sakin.

You Are My Dua | ✓Where stories live. Discover now