"Yieeeeee! Makakasama mo si Malik ng tatlong araw insan." tukso ni Ameera sakin.Nandito kaming apat sa tambayan dahil lunch time na din namin. Yung tinutukoy ni Ameera ay para sa isang Islamic leadership seminar. Ako kasi ang isa sa napili para dun at sabi ni sir Alih ay kasama ko dun si Malik.
"Nabigla nga ako kanina ng sinabi ni sir sakin kanina na si Malik pala ang makakasama ko." sabi ko.
"For sure maeenjoy mo yung tatlong araw na yun, Zahrah." sabi ni Aliyah sakin habang nakangiti.
Pumikit nalang ako at sumandal sa punong kahoy kung anong gagawin ko. Hindi naman kasi pwede na tumanggi ako kay sir. Nakakahiya. Bahala na nga lang. Makakaya ko din to.
Inn Shaa Allah.
"Tara na sa room." yaya ni Aminah samin.
Tumayo na kami at naglakad na papunta sa room. Habang naglalakad naman kami ay nakita ko naman agad si Malik na naglalakad papunta dito samin. Yumuko naman ako.
"Assalamu'alaikum." sabi ni Malik samin. Napatigil naman kami sa paglalakad at tumingin naman sakin ang mga kaibigan ko.
"Wa'alaykumus salaam, Malik." sagot namin sa kanya.
"Pwede ko ba isama si Zahrah? Pinapatawad kasi kami ni sir Alih papunta sa kaniyang office." sabi ni Malik.
Nanunukso naman tumingin sakin sina Ameera. Pero tinignan ko sila para tumigil sila. Mamaya ay aasarin na naman nila ako nito.
"Sige sige Malik. Kunin muna si Zahrah..... Ang ibig kong sabihin ay dalhin muna kay sir Alih." sabi ni Aliyah habang tumatawa ng mahina.
Pumikit nalang ako habang nakayuko pa din ako. Hindi na ako tumingin pa kay Malik dahil nakakahiya. Pinatili ko nalang ang aking tingin sa baba katulad ng parati kong ginagawa pag nandyan siya.
"Shukran. Sige pupunta na kami." sabi ni Malik at nauna na naglakad habang sumunod naman ako sakanya sa likod lang.
Tumingin naman ako ulit sa mga kaibigan ko at kinikilig pa talaga sila ng mapatingin ako sa kanila. Umiling iling nalang ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Napatingin naman ako sa mga dadaanan namin room. Dahil ang mga kababaehan ay kinikilig na makita siya dito sa building ng mga junior. Yumuko nalang ako ulit habang nakasunod sakanya.
Bigla naman siya tumigil at hindi ko iyon napansin kaya yung ulo ko ay tumama sa napakatigas niyang likod.
"Awww." sabi ko habang nakapahawak sa aking nuo.
Napatingin naman siya sakin. Agad naman ako umatras agad dahil malapit kaming dalawa. Ang tangkad naman niya kasi hanggang balikat niya nga lang ako kawawa talaga ang height ko sakanya.
"Okay kalang?" tanong niya sakin.
"Hmm okay lang." mahinang sagot ko sakanya at hindi ako tumingin sakanya nanatili lang ang tingin ko sa baba.
"M-maaf kong hindi ko nakita na tumigil ka pala." sabi ko sakanya at narinig ko naman ang tawa niya ng mahina.
"Okay lang."
Nakarating na pala kami sa office ni sir Alih. Pumasok na siya at nakasunod lang ako sa likod niya. Nang makapasok kami sa loob ay bumungad agad samin si sir Alih.
"Assalamu'alaikum, sir Alih." bati namin ni Malik.
"Wa'alaykumus salaam. Umupo kayo." sabi niya samin.
Umupo naman kami ni Malik habang magkatapat lang kaming dalawa. Si sir Alih ay isa sa mga bagong teacher dito sa paaralan namin. Ang hula ko ay nasa twenty-three palang ito kaya naman pati ang mga istudyante dito ay nagka-crush kay sir Alih pati na din ang aking pinsan.
YOU ARE READING
You Are My Dua | ✓
Teen FictionHe's praying for her. She's praying for him. Little do they know, Allah sealed their fate with each other before they were even born. This is a Muslim lovestory. ***YOU DON'T HAVE TO BE A MUSLIM TO READ THIS***