"Anak ibigay mo nga to sa Ina ni Malik." sabi ni Ummie sakin.Katatapos lang namin kasi nagluto. Nandito kami ngayon sa kusina. Naparami din kasi ang pagluto namin ng pagkain. Ewan ko ba samin trip namin atah magluto ngayon ni Ummie. Pang gabi na din siguro ang pagkain na niluto namin ni Ummie.
"Ina ni Malik?" tanong ko kay Ummie habang naglalagay ng pagkain sa tupperware.
Naghugas na muna ako ng aking kamay. Bago kinuha ang tupperware na pinabibigay ni Ummie sa Ina ni Malik. Matagal ko na din hindi nakita si tita. Pipigilan ko nalang ang sarili ko mamaya na tanungin ito kung kailan ba ang uwi ni Malik. Nakangiti naman si Ummie sakin habang naglalakad na ako palabas ng kusina. Nakasalubong ko naman si Abie.
"Oh anak, san ka pupunta?" tanong ni Abie sakin.
"Ahm pinabibigay kasi ito ni Ummie sa Ina ni Malik." sabi ko habang namumula ang pisnge ko.
Ewan ko ba kung bakit namumula ako. Umaasa kasi ako na baka nakauwi na nga si Malik at baka sakaling makita ko siya mamaya. Pero imposible mangyari yun sa pagkakaalam ko kasi sabi ni Abie ay hindi pa din daw nakauwi si Malik.
"Sige, mag ingat ka." nakangiti sabi ni Abie sakin at nagpaalam naman ako bago tuluyan umalis.
Naglalakad na ako ngayon papunta sa bahay nina Malik. Ewan ko ba kung bakit nanginginig ang kamay ko. Malakas din ang tibok ng puso ko pero binalewala ko nalang ito. Nang makarating ako sa bahay nila ay bumuga muna ako ng malalim na hininga at nag doorbell sa gate nila. Agad naman ito bumukas at nanay ni Malik ang nagbukas nito.
"Zahrah." at niyakap ako. Humiwalay din siya kaagad ng yakap at napatingin sa tupperware na dala ko.
"Ahm pinabibigay po ni Ummie sainyo." sabi ko at ngumiti naman siya sakin.
"Halika pasok ka sa loob." yaya niya sakin. Nagtalo pa ang puso't isipan ko kung papasok ba ako o hindi. Pero pumasok pa din ako.
Napatingin naman ako sa paligid dahil may mga naka decorations na nakalagay sa loob ng bahay. Parang may okasyon atah magaganap dito. Pagkatapos kong tumingin ay napatingin ako sa Ina ni Malik na nakangiti habang nakatingin sakin. Pumasok na kami sa loob at pinaupo niya na naman ako sa sala.
"Ano pong meron tita?" hindi ko na mapigilan magtanong dahil bongga ang decorations na nakikita ko sa paligid.
"Ah may mangyayari lang." sabi niya sakin at hindi na ako ulit pa nagtanong.
"Babalik din ako para isauli itong tupperware. Isasalin ko lang to sa paglalagyan dito ka lang, Zahrah." paalam niya sakin at tumango naman ako.
Naglakad na siya papunta sa kusina habang ako dito nakatingin sa loob ng bahay nila
Malaki ang bahay nina Malik. Nakita ko naman ang litrato niya na nakangiti. Tumayo naman ako habang naghihintay kay tita. Naglakad naman ako papunta dun at kinuha ang litrato niya. Hinawakan ko naman ang litrato niya at napangiti nalang ako."Namimiss na kita. Kamusta kana kaya?" tanong ko sa litrato niya. Napatawa nalang ako dahil pati litrato niya ay kinakausap ko.
"Miss mo na ba?" biglang tanong ni tita mula sa likod ko. Nagulat naman ako.
"Astagfirullah." mahinang sabi ko.
"Sorry kung nabigla ka sakin." sabi niya sakin at lumapit sakin dito. Hawak ko pa din ang litrato ni Malik. Namula naman ako.
"Alam mo bang may crush sayo si Malik? Bata pa lang kayo ay may gusto na sayo si Malik." sabi niya sakin habang nakatingin sa litrato ni Malik.
"Ngayon ay natutuwa ako para sainyong dalawa." sabi niya na hindi mo naman maintindihan.
YOU ARE READING
You Are My Dua | ✓
Teen FictionHe's praying for her. She's praying for him. Little do they know, Allah sealed their fate with each other before they were even born. This is a Muslim lovestory. ***YOU DON'T HAVE TO BE A MUSLIM TO READ THIS***