Hanggang ngayon ay iniisip ko pa din ang seryosong mukha ni Malik nong isang araw. Para kasing may nakitang siyang na ikinasira ng mood niya."Zahrah, okay kalang?" tanong ni Aliyah sakin.
Nandito kami ngayon sa classroom. Malapit na din ang js ball namin. Tatlong araw nalang ay prom na namin pero hindi pa ako sure kung sasama ba ako o hindi.
"Okay lang ako. Iniisip ko lang yung js ball natin." sagot ko sakaniya.
"Oo nga noh. Teka, may susuotin naba kayo sa dadating na js ball?" tanong ni Aminah.
"Meron na." sagot ni Ameera.
"Ikaw, Zahrah?"
"Hindi ako sure kung sasama ako. Parang ayoko din kasi mag attend ng js ball natin." sagot ko sakanila.
"Bakit ka naman hindi sasama? Malapit na tayong makapag tapos ng high school, Zahrah." sabi ni Aliyah sakin.
"Sige, sasama na ako." sabi ko at ngumiti naman sila.
"Yes!!" at nag apir apir naman sila.
Napailing iling nalang ako sakanila habang nakangiti. For sure makikita ko siya dun. Dahil kasama namin ngayon sa js ball ay ang mga senior high. Magpapaalam na din siguro ako mamaya kina Ummie at Abie.
Lunch time ngayon at nandito na naman ako sa library na nagbabasa ng libro. Ilang minuto pa lang ay may narinig naman ako nagbabasa ng Qur'an sa kabila. At alam na alam ko kung sino ang nagmamay ari ng napakagandang boses na iyon.
Si Malik.
Napapikit naman ako habang nakikinig sa boses niya na sobrang ganda. Sobra din ganda ng pagkakabasa niya ng Qur'an. Masha'Allah akh. Hindi na ako naka focus sa pagbabasa ng libro at nakinig nalang sa boses niya. May Qur'an at Bible din kasi dito sa library. Wala siguro silang gagawin kaya nagbasa nalang siya ng Qur'an dito sa dulo.
Natapos na din siguro siya nagbasa. Dahil tumigil na siya. Nag ring na din ang bell kaya dali dali ako tumayo para pumunta na sa classroom. Nang makalabas na ako ay napatingin naman ako sa gilid ko. Nagulat din siya ng makita ako at tumingin sa pinaglabas ko kanina.
Mukhang narealize niya na nasa kabila niya lang ako kanina nong nagbasa siya ng Qur'an. Dali dali na ako naglakad at hindi ko siya na siya pinansin. Nang makarating ako sa room ay laking pasasalamat ko at wala pa ang teacher namin.
Alhamdulillah.
Naglakad na ako at umupo sa upuan ko. Napatingin naman sakin sina Ameera.
"Bat parang pawis na pawis ka dyan? San ka galing?" tanong ni Ameera sakin.
"Sa library lang. Naabutan kasi ako ng time kaya naglakad-takbo na ang ginawa ko." sagot ko sakanya at pinunasan naman ang pawis ko gamit ang panyo ko.
"Bat natagalan ka dun, Zahrah?" tanong ni Aliyah sakin.
"Ahm kasi may pinakinggan lang ako kaya natagalan ako dun." sagot ko sakanya at nag iwas ng tingin.
"Pinakinggan? Kanta? Sa pagkakaalam ko Zahrah hindi ka mahilig makinig sa mga ganun." sabi ni Ameera. Napalunok naman ako. Nahihiya din kasi ako aminin sa kanila kaya ako natagalan ay pinakinggan ko pa si Malik na nagbasa ng Qur'an.
"B-basta." sabi ko at nagkatingina naman sila at tumingin ulit sakin pero hindi na sila nagtanong pa ulit.
Buti naman.
Nakauwi na din ako sa bahay at natapos na din kami nagsalaah. Habang kumakain kami ngayon ay siguro magpapaalam na din ako kina Abie at Ummie tungkol sa gaganapin js ball.
YOU ARE READING
You Are My Dua | ✓
Teen FictionHe's praying for her. She's praying for him. Little do they know, Allah sealed their fate with each other before they were even born. This is a Muslim lovestory. ***YOU DON'T HAVE TO BE A MUSLIM TO READ THIS***