✾09✾

51 18 0
                                    


"Pinayagan kaba?" tanong ni Aliyah sakin.

Nandito kami ngayon sa classroom namin at mamaya ay pupunta ako sa office ni sir Alih para ipaalam sakanya na pinayagan na ako ng aking magulang.

"Hmmm." sagot ko.

"Excited tuloy ako para sainyo ni Malik." tukso ni Aminah sakin.

"Hindi naman siguro parati kami magkasama ni Malik pagdating namin dun." sabi ko.

"Malay mo naman insan. Nang dahil dun ay mas lalo kayong maglapit ni Malik." sabi ni Ameera sakin at umiling iling lamang ako sa mga kaibigan ko.

"At alam mo ba, may narinig ako sa mga kaibigan ni kuya na may gusto sayo si Malik." nanlaki naman ang mata namin nina Aliyah at napatingin sakin.

"Totoo ang sinabi ko. Narinig ko sila nag uusap nun sa sala. Tinutukso nila si Malik tungkol sayo at napag alaman ko din na matagal ng may gusto sayo si Malik yieeee!" kilig na sabi ni Ameera sakin habang ako naman ay namula ako sa aking nalaman.

Nagtilian naman ng mahina sina Aliyah at Aminah. Buti nalang ay kami lang ang nandito sa classroom dahil recess din ngayon. Baka may makarinig sa sinabi ni Ameera lalo't pa may nagkakagusto din kay Malik na kaklase namin.

"A-ano ba yang pinagsasabi mo, Ameera?" nauutal na sabi ko sakanya.

"Hindi talaga ako makapaniwala insan. Si Malik na may gusto pala sayo yung crush mo." sabi niya sakin at nag iwas naman ako ng tingin.

Pano ko haharapin si Malik nito pag nagkita kaming dalawa?

"Yieeeee sanaol Zahrah!" sabi ni Aminah sakin.

"Ano ba kayo baka may makarinig sainyo." singhal ko sa kanilang tatlo.

"Ang haba ng hair mo ay este hijab mo pala, Zahrah yieeee." tukso ni Aliyah sakin habang ako ay namumula pa din.

"Hindi ako makapaniwala na ang gwapong si Malik ay may lihim na pagtingin kay Zahrah." sabi ni Ameera habang kinikilig.

"Dami nga nagkakagusto mga kababaehan dito sa school kay Malik. Gwapo na nga, matalino pa, at bar Imaan pa. Masha'Allah." sabi ni Aminah.

"Future habibi mo, Zahrah!" kilig na sabi ni Aliyah sakin na mas lalo ko ikinapula.

Pumasok kasi sa aking isipan na tinatawag ko si Malik ng 'habibi'. Astagfirullah. Agad ko naman winaksi ang iniisip ko.

Astagfirullah, Zahrah. Wag ka nga kiligin!

Hinayaan ko nalang sila na mag usap tatlo tungkol kay Malik. Habang ako ay kinuha ko ang aking libro at doon na nagfocus. Ayokong isipin ang sinabi ni Ameera sakin lalo't pa bukas na kami magsisimula nina Malik.

Nang lunch time na ay nagpaalam muna ako sa mga kaibigan ko na pupuntahan ko muna si sir Alih sa kaniyang office at susunod din sakanila. Habang naglalakad ako ngayon ay pumasok na naman sa isip ko ang pinagsasabi ni Ameera at sa nga nalaman ko. Hindi ko alam kong bakit mas lalong bumibilis ang tibok ng aking puso. Lalo't pa kanina nong sinabi ni Ameera sakin yun tungkol kay Malik.

Nang makarating na ako sa office ni sir Alih ay kumatok muna ako bago pumasok.

"Assalamu'alaikum, sir Alih." bati ko ng makapasok ako at nagulat naman ako ng makita ko silang nagtatawanan ni Malik.

Napatigil naman silang dalawa ng mapansin ako. Agad naman tumingin sakin si Malik habang mahinang tumatawa pa din. Mukhang nag uusap silang dalawa. Nang magkatinginan naman kami ni Malik ay agad ako nag iwas ng tingin dahil pumasok sa isipan ko ang sinabi ni Ameera sakin. Namula naman ako kaya yumuko nalang ako.

You Are My Dua | ✓Where stories live. Discover now